^

PSN Showbiz

Sharon consistent ang pag-e-emote sa YFSF

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hinihintay ang paliwanag ni Korina Sanchez tungkol sa isyu ng diumano’y kanyang pang-iisnab sa mga opisyal ng Candaba at Masantol, Pampanga kaya itinapon ng mga tao ang mga basketball na ipinamigay niya.

SCENE: Walang kinalaman ang pagiging world-class talent ni Lea Salonga sa kababawan controversy na siya ang nagsimula at dahilan ng mga matinding batikos sa kanya.

SEEN: Hindi nakakatulong sa Your Face Sounds Familiar ang pagi­ging emosyonal ni Sharon Cuneta dahil ang transformation ng mga celebrity contestant ang inaabangan at pinapanood, hindi siya.

SCENE: Mas kamukha ni Paolo Ballesteros si Sam Concepcion sa impersonation nito kay Janet Jackson sa Sunday night episode ng Your Face Sounds Familiar.

SEEN: Hindi ikatutuwa ni Claudine Barretto ang mga horror story na kumakalat tungkol sa kanya sa tuwing nagpo-promote siya ng Etiquette for Mistresses ng Star Cinema.

SCENE: Inilabas kahapon ng McDonald’s ang full version ng television commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza. Mainit ang pagtanggap ng AlDub Nation sa second version ng TV ad nina Alden at Maine.

SEEN: Umakyat sa 45.7% ang ratings ng Eat Bulaga noong Sabado laban sa 11.9% ratings ng It’s Showtime. Baka malungkot si Vice Ganda kapag nalaman nito na real at organic ang mataas na ratings ng Saturday episode ng Eat Bulaga.

SCENE: Nagpapang-abot at nagkakatapatan tuwing Linggo ang Vampire Ang Daddy Ko ng GMA 7 at Who Wants to be A Millionaire ng TV5. Parehong mga programa ni Vic Sotto ang Vampire Ang Daddy Ko at Who Wants to be A Millionaire.

vuukle comment

A MILLIONAIRE

ALDEN RICHARDS

ANG

CLAUDINE BARRETTO

EAT BULAGA

JANET JACKSON

KORINA SANCHEZ

STRONG

VAMPIRE ANG DADDY KO

WHO WANTS

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with