^

PSN Showbiz

LJ minamalas ‘pag dumadalo sa awards night

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Isang malapit na kaibigan ng actress na si LJ Reyes ang nagkuwento sa amin na hindi umano masuwerte ang actress kapag dumadalo siya sa isang award-giving body kung saan siya no­minado dahil hindi siya  nana­nalo. Kaya ganoon na lamang ang pagkabigla ng ex-gifriend ng actor na si Paulo Avelino nang ito’y tanghaling Best Actress sa ika-13th Pacific Meri­dian Inter­national Film Festival na ginanap sa Vladivostok, Russia na nagsimula noong September 12 at nagtapos last September 18 para sa pelikulang Anino Sa Likod ng Buwan pero wala siya sa awards night para tanggapin ang parangal. Ito bale ang kauna-unahang Best Actress trophy ni LJ.

Ang pelikulang Anino Sa Likod ng Buwan ay idinirek ni Jun Robles Lana na siya ring nanalong Best Director plus two other awards.

Mga Bicolano siguradong malilito ‘pag tumakbo rin si Rep. Leni Robredo

Kung totoo ngang pumayag si Rep. Leni Robredo na tumakbo bilang running mate ni dating DILG Sec. Mar Roxas, tiyak na mahahati ang boto ng mga Bicolano dahil parehong Bicolano ang maglalaban sa pagka-vice president sa darating na halalan.

Si VP Jojo Binay na lamang ang hindi pa nag­hahayag ng kanyang makaka-tandem sa 2016 elections.

Samantala, tiyak na majority ng mga taga-showbiz ay susuporta sa kandidatura ng tambalang Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero na parehong malapit ang puso sa mga taga-showbiz.

Magmula nang magdeklara ng kanyang presidential bid si Sen. Grace, maraming ibang kandidato mula sa ibang partido ang nakikipag-alyansa sa kanila ni Sen. Chiz and counting.

AlDub nagbabadya na ng happy ending

Sa takbo ng kalyese­rye ng Eat Bulaga, hindi malayong mauwi sa to­tohanan ang kakaibang “love affair” ng mga pa­nguna­hing bida na sina Alden Ri­chards at Maine Men­doza aka Yaya Dub.

Nakikita kasi sa ge­nuine reaction ng dala­wa nang sila’y muling magkita sa kanilang aborted “date” noong nakaraang Sabado ng hapon.

Sa mahigit dalawang buwan na tumatakbo ang ac­cidental kal­ye­serye ng Eat Bulaga, muk­hang nadi-develop na rin sa isa’t isa sina Alden at Maine na siya namang gustong mangyari ng AlDub followers.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RI

ANG

ANINO SA LIKOD

BEST ACTRESS

BEST DIRECTOR

BICOLANO

BUWAN

EAT BULAGA

LENI ROBREDO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with