^

PSN Showbiz

Ken nasungkit na ang pinakahihintay

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Isa kami sa natutuwa para sa 22-year-old Kapuso actor na si Ken Chan na isa rin sa mga tinutulungan ng veteran TV host, ang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno sa kanyang long-running late-night TV program sa GMA, ang Walang Tulugan with the Master Showman.

Madalas kaming magkita ni Ken sa taping ng WTWTMS at nakikita namin ang pagiging magiliw nito hindi lamang sa kanyang pamilya at mga kaibigan kundi maging sa kanyang mga kasamahan sa programa lalung-lalo na sa fans.

Sa presscon ng kanyang kauna-unahang lead role sa magsisimulang TV drama series, ang  Destiny Rose, hindi naiwasan ni Ken ang maging emotional dahil sa napakalaking break na dumating sa kanyang buhay.

Sa few times na siya’y nakausap namin sa dressing room ng Walang Tulugan…, hindi nito itinatago ang minsang pagkadismaya niya sa mabagal na takbo ng kanyang career pero sa kabila nito ay nananatili siyang matiyaga sa paghihintay na darating din ang tamang panahon para kanya.

Gaganap si Ken sa isang kakaiba at challenging role bilang transsexual na si Joey Flores Vergara, isang mapagmahal na anak na gagawin ang lahat ng mga pagsubok para lamang maipakita niya sa kanyang pamilya kung gaano niya pinahahalagahan ang mga ito sa kabila ng kanyang naging sexual preference.

Ito ay pinamamahalaan ni Don Michael Perez at matutunghayan na simula sa darating na Lunes, September 14.

Vin idolo pa rin si Aljur

Kung hindi itinago noon ni Vin Abrenica ang tampo sa kanyang home studio, ang TV5 dahil hindi siya nabibigyan ng magandang TV project, biglang nawala ang kanyang tampo nang siya’y mapasama sa local TV remake ng Koreanovela na My Fair Lady na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis-Smith. Dito ay gumaganap siya sa isa sa dalawang leading men ni Jasmine na ang isa pa ay ang Kapuso actor na si Luis Alandy.

Kung mabango ngayon ang takbo ng career ng Kapatid actor ay siya naman tila pananahimik ng kanyang nakatatandang kapatid na si Aljur Abrenica na agad namang kinontra ni Vin.

Ayon kay Vin, anuman ang mangyari ay mana­natili ang kanyang pag-idolo sa kanyang kapatid na si Aljur na busy ngayon sa shooting ng kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Hermano Pule kung saan siya ang nasa title role.

Kung anuman daw ang narating ni Aljur ay proud siya para rito at ganoon din naman daw si Aljur para kay Vin.

Si Vin ay produkto ng Artista Academy talent search ng TV5 kung saan siya nanalo.

KC puwedeng pagpilian sina Piolo o Paulo

Marami ang natuwa para sa dating magkasintahang Piolo Pascual at KC Concepcion dahil okey na sila ngayon at hindi na nag-iiwasan tulad ng dati at ito’y nangyari sa ASAP Live In London na ginanap last September 6 sa Wembley’s SSE Arena in London.

Bukod kay Piolo, naroon din ang isa pang ex-boyfriend ni KC na si Paulo Avelino na kaibigan pa rin ni KC hanggang ngayon.

Kung uso ang balikan sa ilang showbiz ex-couples tulad nina Luis Manzano at Angel Locsin, JM de Guzman at Jessy Mendiola at maging sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, possible ring magkabalikan sina Piolo at KC o ‘di kaya sina KC at Paulo. After all, nananatili pa ring unattached up to now ang tatlo.

vuukle comment

ACIRC

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG

ANGEL LOCSIN

ARTISTA ACADEMY

KANYANG

MASTER SHOWMAN

PIOLO

SIYA

WALANG TULUGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with