^

PSN Showbiz

Sa sobrang in demand, Alden wala nang pahinga!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Since magsisimula na ang shooting ng pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nina Vic Sotto at AiAi delas Alas na ididirek ni Joey Javier Reyes kung saan ay kumpirmado nang kasama ang pinakamainit na loveteam ngayon sa telebisyon na sina Alden Richards at Maine Mendoza, tiyak na magkakaroon na ng pagka­kataon si Alden na makilala nang husto ang kanyang split-screen loveteam.

Madalas lokohin si Alden ng kanyang mga ka­samahan sa Eat Bulaga na tila nagiging totohanan na ang pagtingin sa kanyang “virtual” ka-loveteam. (May iba pong report na hindi kasama si Yaya Dub. – SVA)

Ang pagiging mainit ngayon ni Alden ay ma­laking factor sa pagiging bahagi niya sa Sunday musical-comedy show na Sunday PinaSaya kung saan din kasama ang tambalan nina Jose Manalo at Wally Bayola ganundin sina AiAi delas Alas at Marian Rivera at iba pa.

Seven days a week nang napapanood si Alden sa telebisyon. Mula Lunes hanggang Sabado ay napapanood siya sa Eat Bulaga at kung araw naman ng linggo ay nasa Sunday PinaSaya siya.

Sa sobrang dami ng schedule nga­yon ni Alden, halos wala na rin siyang pahi­nga. Bukod kasi sa dalawang TV shows niya ay may mga pelikula siyang gagawin, product endorsements, ang promo ng kanyang album under GMA Records, ang nalalapit niyang concert, at maging personal appea­rances.

Suddenly, naging super in demand si Alden at hindi na maawat ang kanyang kasikatan ngayon.

Samantala, umaasa ang AlDub fans nila ni Maine Mendoza na sana’y matuloy sa totohanan ang kanilang relasyon.

Bakit nga ba hindi? Pakikiramay...

Personal: Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pagyao ni Nards Belen (77) ang butihing mister ng da­ting Manila Bulletin Entertainment Editor at columnist na si Crispina Belen na sumakabilang-buhay noong nakaraang Huwebes nang dahil sa sakit sa puso. Si G. Nards Belen ay nakaburol ngayon sa Loyola-Commonwealth in Quezon City at nakatakdang i-cremate ngayong Miyerkules.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

CRISPINA BELEN

EAT BULAGA

JOEY JAVIER REYES

JOSE MANALO

MAINE MENDOZA

MANILA BULLETIN ENTERTAINMENT EDITOR

NARDS BELEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with