^

PSN Showbiz

Elmo dinakmaan, Derrick dinilaan ng bading ang lollipop!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa presscon ng bagong drama series na My Fair Lady ng TV5 inilabas ni Marjorie Barretto ang hinanakit sa mga punang ibinabato kay Julia Barretto.

Nasasaktan lang daw siya kapag sinasabihang walang kuwentang anak si Julia dahil sa ginawa nito sa ama niya.

Saad ni Marjorie; “Mula nung araw nang ipina­nganak si Julia, hanggang ngayon she live with me. Ako ang nagpalaki sa kanya, Kung merong taong puwedeng magsabing masama ang ugali, kung merong may karapatan, ako lang ‘yun.

“Kung merong isang taong puwedeng magsa­bing masama ang ugali niya at nagbago na dahil sumikat, ako lang ‘yun. Kasi ako ang nakasama niya mula nang ipinanganak siya hanggang ngayon, and she is a good daughter.”

Sa September 18 nakatakda ang hearing ng Petition to Change Name na isinumite ni Julia. Kung dadalo ito, magkikita sila roon ni Dennis Padilla.

Pakiusap ni Marjorie, huwag na raw sana itong i-cover ng media dahil mas gusto nilang ma-resolve ito sa korte ng pamilya lang at hindi na kailangang ibahagi sa publiko.

PAK: Agree ang karamihan na off ang pag-appear ni Brian Poe Llamanzares sa presscon ng My Fair Lady para makita ang matagal na niyang crush na si Jasmine Curtis-Smith.

In fairness naman sa anak ni Sen. Grace Poe, hindi naman daw niya alam na presscon iyun na magnanakaw eksena siya at tatalbugan ang ilang cast members na hindi na nga yata nakapagsalita.

Malayo ito sa pinu-promote na serye ni Jasmine. Hindi naman bahagi nito si Brian. Sana umatras na lang siya nang nalaman niyang presscon pala ang pupuntahan niya.

Pero ang sisi nito ay sa PR lady nitong si Joyce Ramirez na mahilig daw talagang mag-hit ng two birds in one stone.

Pinag-usapan sina Brian at Jasmine at the expense of My Fair Lady. Parang ‘di tama!

Sa September 14 na magsisimula ang My Fair Lady, at siguro isantabi na muna ang isyu nina Jasmine at Brian, dahil si Vin Abrenica ang leading man niya rito.

BOOM: Hindi ganun ka-exciting ang Cosmo Bachelor Bash na ginanap sa SM Concert grounds nung kamakalawa ng gabi na may concept na Cosmo Carnival.

Nabawasan pa ito ng audience dahil sa umulan nang malakas with matching kulog at kidlat.

Hindi rin ganun ka-daring ang mga hunks na rumampa dahil open ang area at sa SM pa ginanap.

Pero hindi napigilang hipuan ang hunks ng kanilang fans nang malapitan sila. Kagaya ni Elmo Magalona na naramdaman daw na talagang may dumaklot sa harapan niya. Kaya pagrampa nito sa ilang bahagi ng entablado ay pinrotektahan na raw niya ito.

Si Derrick Monasterio naman ay sobrang daring na may dinukot pang lollipop sa harapan at dinilaan bago ibinigay sa audience. Isang baklang fan ang nakakuha ng lollipop at dinilaan din ang lollipop ni Derrick.

Wala raw siyang pakialam kung nahipuan siya. At ang pagrampa raw niya sa Cosmo Bachelor Bash ay simula na ng pagiging daring niya sa mga susunod na projects na kanyang gagawin.

Aniya; “This is the first step ko in changing myself and changing my character na rin. Ready na siguro ako ngayon na magbago ng image like mature roles. More daring roles. No limitations!”

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRIAN POE LLAMANZARES

CHANGE NAME

COSMO BACHELOR BASH

COSMO CARNIVAL

DENNIS PADILLA

JULIA

MY FAIR LADY

NIYA

SA SEPTEMBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with