^

PSN Showbiz

Kris mas inuuna ang datung kesa sa kalusugan

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

‘Yung nakikita ng lahat sa TV screen na pagkalusog-lusog na TV host na si Kris Aquino ay isa palang masakiting tao. Hindi lamang pala allergy ang iniinda niyang karamdaman, mayro’n din pala siyang hypertension na nagdala sa kanya sa hospital and will keep her there for maybe a week. Tsk. Tsk. Tsk.

Sino ba namang pamilya ang hindi mag-aalala kung ang isang miyembro nila ay umabot ng 200/110 ang blood pressure nito? Panay pa naman pagkain ang ipini-feature ni Kris sa kanyang KrisTV show.

Buti na lang at may mga kapatid si Kris na nag-aalala sa kanya. At siguro, dapat gayahin niya ang best friend niyang si Boy Abunda. Dapat magbawas siya ng trabaho dahil stressful magkaro’n ng daily show.

Kris will have to take it easy. Hindi siya maisasalba ng kanyang maraming pera kung siya mismo ay hindi nagpapahinga. May mga sacrifice siyang dapat gawin.

James ipinahiya ni Kuya sa buong sambayanan?!

Nakakatawa at nakakagulat ang naging turn out ng komprontasyon ng mga housemate na sina James Linao at Dawn Chang ng Pinoy Big Brother (PBB) 737. Sa halip na maresolba nila ang isyu ng pagiging touchy ni James ay lalo pa silang nagkagulo sa ginawang paraan nina Dawn at Mikee Agustin ng pagsasabi kay James ng saloobin nila.

Paano ba naman hindi gugulo ay napahiya si James dahil kinompronta nila ito sa harap ng iba pang mga housemate. Mas lalo pang magwawala si James kapag narealize na buong bansa sa paglalahad ng kanyang “kasalanan”. Kung sa mga kasamahan niya ay napahiya siya, sa buong bansa pa kaya hindi? Nadamay pa si Philip Lampart dahil nagbigay ito ng kanyang opinyon.

Hay Kuya, dapat sinolusyunan mo na lang ang isyu sa likod ng kamera. Kayo naman ang nakakaalam kung ano ang dapat at hindi dapat ipapanood sa tao. Tapos, tinatanong mo pa ang mga kalalakihan sa bahay mo kung bakit hindi sila nag-attempt na sabihin ito kay James.

Si Dawn ang may problema, siya lamang ang maaaring magsabi nun kay James. Puwedeng ginawa ni Dawn ‘yun ng silang dalawa lamang ni James. ‘Yun ang talagang pagpapakatotoo. Kung sa iba manggagaling ang reklamo ay magsisilbi ‘yung hearsay na mas magbibigay ng kahihiyan kay James. Nakita mo na nga na hindi magandang tinanggap ni Dawn ang “pakikialam” ni Philip, pero kung ikaw ‘yun Kuya, hindi magagalit si Dawn at siguro ay maging si James din.

JM at Jessy selos ang pinag-aawayan?!

Sana maresolbahan din nina JM de Guzman at Jessy Mendiola kung anuman ang pinagdaraanan nila ngayon. Sayang naman kung aabot pa ito sa muling paghihiwalay nila. Napakarami na ng pinagdaanan nila. Sayang naman kung hindi nila ito iku-consider.

May kinalaman kaya ito sa selos na sinasabing nararamdaman ng aktres kaya bantay-sarado siya kay JM at kung hindi siya naglalagi sa set ng mga serye nito’t pelikula ay sinusundo niya ito kapag nakakatapos ito ng trabaho? May third party ba na nagpapa-insecure kay Jessy?

Fans ni Sarah dapat nang kumalma

Buti na lang at text votes ang sinusunod sa semi at grand finals ng The Voice Kids. Mahirap itong habulin ng mga netizen na humihiyaw sa galit sa hindi pagkakasali ng kahit isa man lamang na taga-Team Sarah (Geronimo) sa grand finals.

As it is, text votes ang pumili ng grand finalists. Sila rin ang pumili ng nanalong 1st and 2nd placers ng Team Sarah sa first season ng The Voice Kids.

Sport na lang siguro ang mga nagrereklamo. Ganun talaga ang pagsali sa contest, may nananalo at may natatalo. Ako nga, I stopped watching American Idol a few years’ back nang matalo ang bet kong si Adam Lambert.

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

ITO

JAMES

KUNG

MGA

NBSP

NILA

TEAM SARAH

VOICE KIDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with