^

PSN Showbiz

The Love Affair umabot na rin hanggang Middle East

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Buong pagmamalaking inihahandog ng TFC@theMovies ang pinakaaaba­ngang romantic drama mula sa Star Cinema, ang The Love Affair sa cinemas worldwide simula ngayong Agosto.

Sa The Love Affair, pinagsama-sama ang tatlo sa pinakakilalang pangalan sa Philippine entertainment industry na sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, at Bea Alonzo. Si Dawn ay si Patricia, isang babae na tinatahak ang isang halos ideal na relationship hanggang sa siya ay lumihis ng landas. Si Richard naman ay si Vince, isang lalaking nag-aakalang siya ay nasa isang perfect relationship hanggang malaman niyang nabaling ang atensiyon ng kaniyang asawa sa sarili niyang best friend. Si Bea naman ay si Adie na madalas namamagitan sa mga mag-asawang kailangan nang mamili patungkol sa estado ng kanilang relationship hanggang siya na mismo ang kumailangang humarap sa realidad na ito.

Ang The Love Afair ang kauna-unahang pagtatambal nina Bea at Richard at ang directorial debut ni Nuel Naval sa Star Cinema.

Samantala, ito naman ang much-awaited na balik-tambalan ng Dawn-Richard tandem, isa sa pinaka-matatag na love teams sa Philippine entertainment. Simula pa noong ginawa nila ang le­gen­dary Filipino film na Hihintayin Kita Sa Langit, sinusundan pa rin sila ng fans bata man o matanda, hanggang sa kanilang latest blockbuster hit na She’s Dating the Gangster.

Si Bea naman na tinaguriang this generation’s “Movie Queen” dahil sa kaniyang blockbuster at award-winning performances tulad ng iconic na One More Chance hanggang sa The Mistress, ay ina­asahang magbibigay ng isa na namang kakaibang performance.

Ang The Love Affair naman na iikot sa kuwento ng tatlong karakter na nais lamang magmahal, nasaktan sa kanilang paghahanap ng tunay na pag-ibig at bumabangong muli para sa pangalawang pagkakataon, ay inaasahang aantig sa puso ng mga manonood.

Tunghayan ang The Love Affair sa United Arab Emirates, Qatar, Bahrain, at Oman simula August 20.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG THE LOVE AFAIR

ANG THE LOVE AFFAIR

BEA ALONZO

DATING THE GANGSTER

DAWN ZULUETA

HIHINTAYIN KITA SA LANGIT

LOVE AFFAIR

SI BEA

STAR CINEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with