^

PSN Showbiz

Regine nasarapan sa palaka!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Dennis hindi na itinatanggi si Jennylyn

PIK: Iikutin ni Regine Velasquez ang bansa kasama ang ilang Kapuso stars na nag-adventure na mapapanood sa Sarap Diva bukas ng umaga.

Kasama niya si Solenn Heussaff na nag-parasailing sa Boracay, may coffee date sila ni Dennis Trillo sa Davao, at ka-bonding niya ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania sa Laguna kung saan nilantakan nila ang “palaka dish” na turo ni Chef Boy Logro.

Walang kaangal-angal si Regine kahit saan siya dalhin at kung ano ang ipagawa sa kanya dahil nag-i-enjoy siya sa kanyang kakaibang cooking at tsikahan show na Sarap Diva.

PAK: Sobrang manghang-mangha ang production staff ng binubuong drama series ng GMA 7 na Destiny Rose sa ganda ni Ken Chan nang inayusan itong girl.

Isang transvestite ang gagampanan ni Ken, at malaking challenge raw ito sa kanya dahil first time niyang gumanap bilang isang trans girl.

Nasilip namin ang look test nito at nakakamangha nga ang ganda ni Ken.

May ayos si Ken na kamukha ni Pia Guanio, meron ding kamukha niya si Toni Gonzaga at si Rachelle Ann Go.

Pati sa mga pilantik ng mga daliri ni Ken ay girl na girl talaga, kaya sobrang na-internalize na niya ang role ng isang girl.

BOOM: Tipid ang kuwento ni Dennis Trillo sa birthday party ni Alex Jazz na dinaluhan nila ng anak niyang si Calix at ang Daddy niya.

Matagal naman daw magkakilala sina Jennylyn Mercado at ang Daddy niya, kaya isinama na niya sa birthday party ni Alex Jazz.

Nagkita raw sila ni Patrick Garcia sa party pero hindi lang daw sila nagkausap dahil busy naman daw si Patrick sa pag-asikaso sa anak niya.

“Simple lang naman dun eh. Dun lang kami kumain, nanood sa mga bata, nag-enjoy, ‘yun lang naman eh,” pakli ng Kapuso actor.

“Malaki ang party eh, maraming entertainment, enjoy lang,” dugtong pa nito.

Hindi na itinatanggi ni Dennis ang tungkol sa kanila ni Jennylyn, pero wala naman siyang kinukumpirma. Ang kaibahan lang daw sa relasyon nila ni Jennylyn kung ikumpara noon, mas tahimik daw ngayon at ayaw na lang daw nilang pag-usapan.           

Hindi naiwasan ni Dennis na sagutin ang mga nakakaintrigang tanong sa presscon ng pelikula niyang Felix Manalo na ipalalabas na sa October 7.

Magkakaroon ito ng premiere night na gaganapin sa Philippine Arena sa October 5. Tumango naman si Dennis nang tinanong namin kung isasama niya si Jennylyn.

vuukle comment

ACIRC

ALEX JAZZ

ANG

CHEF BOY LOGRO

DENNIS TRILLO

DESTINY ROSE

JENNYLYN

NBSP

NIYA

SARAP DIVA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with