^

PSN Showbiz

Sarah ‘di alam kung Kapamilya na

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi nasagot ng mabuti ni Sarah Lahbati kung magiging Kapamilya na ba siya. Ang tanging na­ging tugon niya sa tanong na ito ay hindi siya tatanggi kapag binigyan muli siya ng trabaho ng network. Nag-ugat ang interes ng marami nang mapanood siyang sumayaw sa ASAP sa kasagsagan ng laban ng dalawang network nang ilunsad ng GMA 7 ang Sunday PinaSaya. Nagulat na lang ang lahat nang bigla nga ay mapanood na sumasayaw si Sa­rah na kilalang isang Kapuso. Pero ‘di nga nilinaw ng partner ni Richard Gutierrez kung Kapa­milya na siya o hindi. Hindi rin naman niya itinanggi na patuloy siyang magtatrabaho sa ABS-CBN habang may ibinibigay silang trabaho sa kanya.

Regular na napapanood sa E! Channel ang reality serye ng pamilya Gutierrez  kung saan ay kasama nila ang kanilang anak ni Richard na si Zion.

Bomba star na si Maria ozawa kay Cesar na mapupunta

Blessing in disguise naman ang hindi pagkakatuloy ni Robin Padilla sa paggawa ng Nilalang para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 na ikinagalit ng kanyang makakapartner sana na si Maria Ozawa. Mababale-wala ang ginagawa niyang paghahanda para sa movie, kaya natawag niyang unprofessional si Robin na nag-back-out sa movie para maalagaan nang husto ang maselang pagbubuntis ni Mariel Rodriguez.

Hindi naman ititigil ng mga nasa likod ng Nila­lang ang paggawa nito. Naging mahirap nga naman na makapasok sa Top 8 para basta na lamang nila ito hindi ituloy. Kaya kinuha raw nila ang serbisyo ni Cesar Montano para sa pelikula.

Kahit wala nang Startalk, Lolit, Ricky Lo, at Joey hindi magbababu sa ere

Sa pagkawala ng Startalk, bibigyan pa rin ng bagong prog­rama ng GMA 7 sina Manay Lolit Solis, Ricky Lo, at Joey de Leon bilang kapalit ng mawawalang programa at sa oras kung kailan ito napapanood. Wala pang pamagat ang bagong programa na eere agad pagkatapos mag-babu sa ere ng Startalk, pero ang sigurado ay kasama na nila si AiAi delas Alas sa bagong programa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CESAR MONTANO

HINDI

MANAY LOLIT SOLIS

MARIA OZAWA

MARIEL RODRIGUEZ

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NBSP

RICKY LO

STARTALK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with