^

PSN Showbiz

JK lumaking daing ang ulam

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si Juan Karlo “JK” Labajo sa laun­ching ng debut at self-titled album niya mula sa MCA Music Inc., Matagal daw niyang hinintay ito, kaya nang dumating, ipinagsigawan at sobrang excited nga sa launching.

Third placer sa The Voice Kids si Juan Karlo, pero hindi magpapahuli sa husay kina Lyca Gairanod at Darren Espanto. Advantage sa 14-year-old ang height at good looks. Touching ang sinabi nitong para sa lola niya ang album dahil ang lola at tito niya ang nagpalaki sa kanya at ang lola ang kasama ‘pag nag-o-audition. Touching ang sinabi nitong “I’m achieving our dream,” hay, sana sumikat pa si JK.

Pero ang maging artista ang unang gusto ni JK at alam niyang babagay siya sa drama dahil marami siyang emosyong paghuhugutan. Madrama ang buhay ni JK at kahit wala sa hitsura dahil Fil-German ito, mahirap ang buhay na kinalakihan at pinagdaanan at hindi niya ito ikinahihiyang ikuwento.

Isang hakbang na lang at pulubi na sila noong nasa Cebu pa siya, isang beses sa isang araw lang silang kumain ng lola at tito niya na nagpalaki sa kanya at madalas, daing ang ulam. Mabuti at masarap daw ang daing.

Sa songs sa album, favorite ni JK ang Para Sayo at kung pakikinggan ang kanta, malalaman n’yo kung bakit. Ang daming hugot ng bagets dito!

Glaiza makakalagare na

Ngayong tapos na ang The Rich Man’s Daughter (TRMD), puwede nang umalis ni Glaiza de Castro para mag-show sa ibang bansa. Ang shows lang nito sa Singapore, Dubai at Canada ang aming naalala, pero maraming bansa itong pupuntahan.

Si Allan K daw ang nag-book kay Glaiza sa mga show nito sa ibang bansa at hinintay lang nitong matapos ang TRMD bago simulan ang kanyang tour.Tama namang nawala ang Sunday All Stars, kaya walang conflict sa schedule niya.

Iyun nga lang, mami-miss si Glaiza ng kanyang fans na mapanood kahit mag-guest man lang sa mga show ng GMA-7 habang naghihintay ng bagong soap. Dumoble ang fans ni Glaiza mula nang gawin niya ang TRMD at kung pakikinggan ng network ang fans, request nilang ang next soap ni Glaiza ay adaptation ng Korean drama series na Secret Garden.  

 Jessica Sanchez panay ‘awesome’ ang alam

“Awesome” yata ang favorite word ni Jessica Sanchez dahil ilang beses niyang nabanggit ang salitang ito nang makausap siya ng press para sa guesting niya mamaya sa Sunday PinaSaya. Awesome raw ang feeling niya to be in the country at awesome ang Filipino food na natikman na niya dahil very delicious.

Two songs ang kakantahin ni Jessica sa bagong programa ng GMA kasama ang duet nila ni Christian Bautista na ni-record nila noong nasa Los Angeles si Christian.

Pinuri ni Jessica si Christian na sweet and funny at “amazing to work with” daw.

Nalungkot pala si Jessica sa pagkawala ng American Idol dahil dito siya galing at pamilya ang turing niya sa lahat mula sa producers, judges, staff at finalists na nakasama niya.

Bukod sa duet sa Sunday Pinasaya, may show din sina Jessica at Christian sa Chaos Bar sa City of Dreams mamaya rin.

Dumating si Christian sa presscon ni Jessica  na second meeting pa lang nila. Kung pinuri ni Jessica si Christian, maganda rin ang sinabi ni Christian sa ka-duet. Sweet si Jessica at very professional.

Si Christian na ang nagkwento na ang composer ng Two Forevers ay same composer ng hit song niyang The Way You Look at Me at si Nick Carter ng Backstreet Boys. Love song ito and for all ages.

Anyway, inamin ni Christian na nalungkot siya nang mawala ang Sunday All Stars at sinundan ng ending ng soap na My Mother’ Secrets. Mabuti na lang at kinuha siyang host ng To The Top at positive itong magkakaroon uli ng mala-SAS na show ang GMA-7.

ACIRC

ANG

CHRISTIAN

GLAIZA

JESSICA

JESSICA SANCHEZ

JUAN KARLO

LANG

NBSP

NIYA

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with