^

PSN Showbiz

Richard join na rin kina Ruffa at Raymond sa Mutya…

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Gutierrez siblings na sina Ruffa, Richard, at Raymond bukas sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila para sa grand coronation night ng Mutya ng Pilipinas.

Nagsama na some years back sa pagho-host ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night ang magkakapatid, pero ito ang unang pagkakataon na magsasama sila sa pagho-host ng isang national beauty pageant.

“Beterano” na sina Ruffa at Raymond sa ganitong hosting, pero first time ni Richard.

Tatlong beauty aspirants ang pipiliin para koronahan bilang Mutya ng Pilipinas - Asia Pacific International, Mutya ng Pilipinas - Tourism, at Mutya ng Pilipinas - Overseas Communities.

Excited ang magkakapatid na magsasama-sama sa nasabing grand coronation night ng Mutya ng Pilipinas beauty pageant.

Kahit former Binibining Pilipinas-World si Ruffa at nagwagi pa nga siyang Miss World Second Princess at Asia’s Queen of Beauty noong 1993, wala namang hadlang para sa TV host/actress ang pagho-host ng ibang beauty pageant.

Minsan na ring nag-host si Ruffa ng Miss World Philippines kahit hindi na si Mrs. Stella Marquez-Araneta at ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang may hawak ng franchise no’n.

Magsisimula ang grand coronation night ng 7:00PM, pero may delayed telecast sila sa ABS-CBN ng 11:00 PM.

Rocco kabi-kabila ang pakikisosyo sa negosyo

Si Rocco Nacino at ang ilang mga kaibigan niya ang may franchise ng isang sikat na tapsi restaurant-chain sa tapat ng GMA 7.

Bukod sa pag-aartista, marami ring mga negosyo ang boyfriend ni Lovi Poe.

Kasosyo rin siya ng ilang mga kaibigan sa dalawang branch naman ng isang sikat na boxing gym.

Bukod doon, may iba pang mga negosyo si Rocco.

Pinagbubuti ni Rocco ang kanyang showbiz career, pero alam niya na hindi forever ang pag-aartista, kaya naman ini-invest niya sa negosyo ang mga perang kinikita sa showbiz.

Kasama nga pala si Rocco sa Beautiful Strangers na pinagbibidahan nina Lovi at Heart Evangelista.

Sa press launch nga pala ng Beautiful Strangers ay hindi bubuntot-buntot si Rocco kay Lovi. During the one-on-one interview, sa magkahiwalay na mesa sila naupo.

vuukle comment

ANG

ASIA PACIFIC INTERNATIONAL

AWARDS NIGHT

BEAUTIFUL STRANGERS

BINIBINING PILIPINAS CHARITIES

BINIBINING PILIPINAS-WORLD

MUTYA

PILIPINAS

ROCCO

RUFFA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with