^

PSN Showbiz

Daniel nagso-solo na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Teen King na si Daniel Padilla na kabilang na siya sa lumala­king pamilya ng Bench bilang celebrity endorser ng Fix Salon at Fix hairstyling products.

Last Saturday, July 25 ay pormal na ni-launch si DJ (palayaw ni Daniel) bilang brand ambassador ng Bench Quick Fix Styling na talagang dinagsa ng mga tagahanga ng young actor at nagtiyagang maghintay ng ilang oras.

Ang iba sa kanila ay mangiyak-ngiyak  sa tuwa at hindi makapaniwala na nalapitan nila up-close ang ka-loveteam ni Kathryn Bernardo.

With or without his ka-loveteam na si Kathryn, sobra ang init ng pagtanggap ng fans sa kanya.

James at Nadine hindi pa rin matibag sa Top 3

Ang tambalan naman nina James Reid at Nadine Lustre ay nagsimula sa debut movie nilang Diary ng Panget at sinundan ng Talk Back and You’re Dead, at Para sa Hopeless Romantic.

Malapit na ring mapanood ang tan­dem ng da­lawa sa kanilang kauna-unahang teleserye, ang On The Wings of Love na matutunghayan sa susunod na buwan.

Kung kami ang tatanungin, nasa No. 1 list pa rin ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, puma­pa­ngalawa ang tandem nina Enrique Gil at Liza Sobe­rano, at No. 3 naman ang team-up nina James Reid at Nadine Lustre.

Marami-rami na rin ang loveteam ng tatlong major stations – ABS-CBN, GMA, at TV5, pero kung following at intensity ng team-up ang pag-uusapan ang tatlong nabanggit ang pinakamaiinit ngayon.

Annabelle pinaplastik lang si Ruffa!

Sa presscon ng ika-3rd season ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez, inamin ng Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama na hindi umano bukal sa puso niya ang muli nilang pagkakabati ng kan­­­­yang panga­nay at kaisa-isang anak na babae na si Ruffa Gutierrez dahil request lamang ito ng isa pa niyang anak na si Elvis Gutierrez sa kasal nito sa asawang si Alexa Uichico-Gutierrez. Pi­nagbig­yan lamang daw niya ang kahilingan ni Elvis kaya sila nagkabati ni Ruffa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago si Annabelle ng stand pagda­ting sa pag-ayaw niya sa nobyo ni Ruffa na si Jordan Mouyal.

In fairness to Ruffa, agad itong tumayo at nila­pitan at bineso ang ina nang ito’y dumating sa venue ng presscon para sa It Takes Gutz to be a Gutierrez kasama ang amang si Eddie Gutierrez.

Ang ika-3rd season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ay nagsimulang umere sa E! Channel kagabi ng alas-9 pagkatapos ng marathon airing ng 1st and 2nd season ng controversial family reality show mula 12:00 noon hanggang alas-9 ng gabi kahapon.

vuukle comment

ACIRC

ALEXA UICHICO-GUTIERREZ

ANG

DANIEL PADILLA

GUTIERREZ

IT TAKES GUTZ

JAMES REID

KATHRYN BERNARDO

NADINE LUSTRE

RUFFA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with