^

PSN Showbiz

AiAi todo ang ginagawa kay Jiro

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Matutupad na ang pangarap ni Jiro Manio na makarating sa Japan at hopefully, makilala ang kanyang Japanese biological father kapag maayos na maayos na ang kalagayan niya.

Ang fairy godmother ni Jiro na si AiAi delas Alas ang tutulong sa kanya para makapunta sa Japan.

Si AiAi ang sumagot ng pagpapagamot kay Jiro sa isang wellness facility at idea niya na dalhin sa Japan ang batang aktor kapag magaling na magaling na ito.

Isang kamag-anak ni Jiro ang nangako na dadalhin siya sa Japan pero hindi natupad at isa ito sa mga dahilan kaya dumanas ang bagets ng matinding depression at nagtulak sa kanya para tumambay sa NAIA Terminal 3.

Siyempre, nakasalalay pa rin kay Jiro ang katuparan ng pangarap niya na makatungtong sa Japan. Kung susundin niya ang mga sasabihin ng doktor, mapapadali ang kanyang recovery at pagbiyahe sa Japan.

Lorna change image na!

Inaabangan ang pagbabalik ni Lorna Tolentino sa TV5. Kasama kasi si LT sa newest weekend sitcom ng Kapatid Network na Misterless Misis na magsisimula sa August 9.

Napanood noon si LT sa mga show ng Kapatid Network, ang Glamorosa, Cassandra: Warrior Angel, Third Eye, at Valiente. Naging judge rin si LT ng Artista Academy, ang artista search ng TV5.

Ibang LT ang mapapanood sa Misterless Misis dahil imbes na mag-drama, magpapatawa sila ng kanyang mga co-star. Ipapakita ni LT sa Misterless Misis ang pamumuhay ng isang independent woman sa makabagong panahon.

Kris dalawang beses nag-pictorial bilang Most Beautiful

Gugunitain at ipagdiriwang ngayon ng mga miyembro ang 101th anniversary ng INC.

Ngayon din ang State of the Nation Address ni P-No­y kaya nai-imagine ko na ang matinding trapik sa Commonwealth Avenue dahil sa presence ng mga pulis at mga demonstrador na mara­ming reklamo laban sa presidente ng bansa.

Ngayong gabi rin ang 15th anniversary party ng YES! Magazine sa isang 5-star hotel at inaasahan na star-studded ang imbitasyon.

Kasabay ng anniversary party ng YES! ang unveiling ng Most Beautiful issue ngayong 2015.

Si Kris Aquino ang most beautiful celebrity ng YES! at malalaman natin ngayong gabi ang mga dahilan kaya siya ang napili ng YES! staff.

Ang balita ko, dumayo pa si Kris sa Palawan para sa cover pictorial niya. Dalawang beses din siya na nagkaroon ng pictorial para sa Most Beautiful issue ng YES!

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTISTA ACADEMY

COMMONWEALTH AVENUE

JIRO

JIRO MANIO

KAPATID NETWORK

LORNA TOLENTINO

MGA

MISTERLESS MISIS

MOST BEAUTIFUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with