^

PSN Showbiz

Tom walang ginawa kundi patawanin si Carla

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kasuwerte naman ni Tom Rodriguez. Ni hindi siya ina-acknowledge na ka-on o ka-MU (mutual understanding) ni Carla Abellana yet, walang kumukuwestiyon sa relasyon nila. Basta tanggap ng lahat ang relasyon ng da­lawa, that they are a couple.

Sabi nga ni Carla, walang nakakapagpasaya sa kanya at nakakapagpatawa tulad ng ginagawa ni Tom. “Super patawa siya and very talented,” pag-amin ng Kapuso actress na obviously ay ayaw magkaroon ng karelasyon hangga’t hindi pa siya buong-buo.

Miguel umaasam na magiging piloto

Maraming kaedad ni Miguel Tanfelix, artista man o hindi ang makakakuha ng inspirasyon sa binata sa pagtatapos nito sa high school. Bukod kasi sa isa sa pinakasikat at pinakaabalang Kapuso young star ay may dalawa siyang popular TV show, ang Ismol Family at Once Upon a Kiss.

Ilang taon na lang at kapirasong steps ay ma­ka­katapos din siya ng kolehiyo na siya talagang pi­na­kapinapangarap niya. At kung magtutuluy-tuloy ang tagumpay niya, baka bukas ay hindi lamang siya isang kinikilalang actor kundi isa pa rin siyang matagumpay na piloto.

Bago pa siya nag-artista ay ang pagpipiloto ang pinakaaasam-asam niyang bagay. Malaking pasalamat niya sa GMA dahil suportado nila ang pag-aaral niya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUKOD

CARLA ABELLANA

ISMOL FAMILY

KAPUSO

MIGUEL TANFELIX

NBSP

ONCE UPON

SIYA

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with