^

PSN Showbiz

Bret mahal na mahal ang anak ni Andi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Lumabas na ang poster ng Your Place or Mine, ang pelikulang tampok sina Andi Eigenmann, Bret Jackson at Andre Paras. Mukhang si Bret ang partner ni Andi at mas bida siya kay Andre sa poster dahil ang da­la­wa ang magkayakap.

Naalala namin ang sinabi ni Bret na “I really like Andi” patungkol sa aktres at wala siyang keber kahit si Jake Ejercito ang gusto nito. Basta kung kaila­ngan siya ng aktres, lagi siyang handang tu­mulong at walang balak na manligaw ng iba.

Hindi raw nakikita ng tao na very close sila ni Andi at pati sa anak nitong si EllIe. “Cakes” ang tawag niya sa anak ni Andi dahil sweet na parang candy.

Sa April 29 ang playdate ng Your Place or Mine sa direction ni Joel Lamangan at released by Viva Films.

Samantala, balik si Bret sa TV5 sa Wattpad Pre­sents: Lady in Disguise kasama sina Eula Caballero at Steven Silva. Mapapanood ang episode, 9 p.m., mula April 6 hanggang 10.

Sobra ang pasasalamat ni Bret sa TV5 at nabanggit na tatanggapin niya ‘pag binigyan siya ng offer para sa isang kontrata. Magpaalam lang daw ito sa Viva Artist Agency.

Ruffa pumatol sa pintasero

Supalpal ang isang basher ni Ruffa Gutierrez dahil sinagot nito ang comment sa Instagram (IG) na “Ruffa looks like an ordinary Pinay” at idinamay pa si Ana Ro­ces. Sagot ni Ruffa, “And you my dear look very extra­ordinary wow!”

Aprubado sa mga kaibigan ni Ruffa ang sagot nito sa basher na nagmamaganda. Aliw ‘yung suggestion sa basher ng isang follower ni Ruffa na magkaroon ng mirror ang basher para makita ang sarili niya sa salamin.

Available na pala ang Love Collection 2 sa Power Plant Mall at sa House of Laurel ni Rajo Laurel at sabi ni Ruffa, ‘pag na-sold out na ang 300 kiddie outfits, sa June na sila ulit maglalabas ng another batch.

Natutuwa si Ruffa dahil seryoso ang mga anak na sina Lorin at Venice Bektas sa kanilang Love Collection. Tinuturuan niya ang mga anak sa value of making mo­ney. Gusto niyang maramdaman ng dalawa kung paano mapagod para lang magkaroon ng pera dahil hindi sila anak mayaman at wala silang pamana sa kanilang ama.

vuukle comment

ANA RO

ANDI

ANDI EIGENMANN

LOVE COLLECTION

RUFFA

SHY

YOUR PLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with