^

PSN Showbiz

Angel napi-pressure nang mabuntis?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

I’m sure malaking pressure para kay Angel Locsin kapag nagsasabi  si Gov. Vilma Santos, ina ng boyfriend niyang si Luis Manzano na gusto na nitong magka-apo. Kanino ba niya ito ipinatatama, hindi naman siguro sa na­kababatang kapatid ni Luis na si Ryan Christian na bata pa para mag-asawa, kundi sa kanilang dalawa ni Luis. Eh, paano ba niya mapagbibigyan ang biyenan niyang hilaw kung wala pang pagyaya na nagmumula kay Luis para sa kanilang pagpapakasal?

Pangalan ni Rita hindi na matandaan

Mukhang malilito na pati followers ng dating si Rita Iringan na naging Rita de Guzman at ngayo’y Rita Daniela na? Pero wala tayong magagawa dahil sa ganda ng boses niya’t galing umarte ay baka nababagalan siya sa  napakakupad na pag-usad ng career niya na baka isinisisi niya sa kanyang pangalan, kaya choose na naman  siya ng bagong surname.

Sana nga mag-stick na siya sa Rita Daniela. At sana rin umusad na rin ng mabilis ang karera niya, Magaling naman siya, eh.

Kris dapat mag-effort sa akting para makasabay kay Claudine

Uy, magkakasama pala sa isang proyekto sina Kris  Aquino at Claudine Barretto. Wala kayang gulong mangyari? Eh balita sa kanilang kamalditahan ang dalawa.

Pero bago ang kanilang mga magiging personal differences, dapat mag-brush up ng acting niya si Kris dahil noted din sa kanyang kagalingang umarte ang bunso sa mga Barretto sisters. Talagang panonoorin ang Etiquette for Mistresses if only for the presence of the two personalities.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CLAUDINE BARRETTO

LUIS

LUIS MANZANO

NIYA

PERO

RITA DANIELA

RITA IRINGAN

RYAN CHRISTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with