^

PSN Showbiz

Defensive?

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Napaka-defensive naman ng isang taga-PMPC (Philippine Movie Press Club) na nanggalaiti agad sa opinyon ko rito sa column ko tungkol sa pagkakatalo ni Aiko Melendez sa pagiging Best Actress kay Nora Aunor. May iba bang nag-react tungkol dito bukod sa akin? Kung wala, eh masaya ako na kahit papaano narinig ang boses ko at nabasa ang panulat ko.

Pero kahit anong paliwanag ang ibigay sa akin ng mga taga-Star Awards, huwag nilang ipagkait ‘yung feeling ko. ‘Yun ang opinyon ko na hindi nila dapat bigyan ng paliwanag dahil hindi naman kami magkakaro’n ng isang paniniwala.

Nagkataon lang siguro na nagkapareho kami ng standard ng mga taga-abroad na pumili kay Aiko bilang Best Actress. Kung sa paniwala nila sa PMPC na si Nora lamang ang mas ka­rapat-dapat na manalo, well and good. Pero ako ay may ibang opinyon. ‘Yun lang.

Magkapatid na Diego at Enrique walang sapawan

Dalawa pala ang anak ni Teresa Loyzaga na pinag-aartista niya. Ang isa ay ang kilala na na­ting si Diego Loyzaga na hindi lang binago ang kanyang looks kundi maging ang kanyang per­for­mance. Kahit nagsisilbi siyang kontrabida kina Enrique Gil at Liza Soberano, hindi nagagalit sa kanya ang mga manonood ng serye.

Taga-TV5 naman ang nakatatandang si Joey Loyzaga. Very close silang mag-brother at ito ang ikinatutuwa ng kanilang mom na nagagawa silang iwan at ipagpatuloy ang gawain nito sa isang airline.

Pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Liezl

Isang taos-pusong pakikiramay ang ipinaabot ko kina Albert Martinez at sa tatlo niyang mga anak sa pagyao ni Liezl Martinez. Ganundin kina Amalia Fuentes at Romeo Vazquez, mga magulang ng yumao at sa lahat ng miyembro ng kanilang pamilya for their great loss.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ALBERT MARTINEZ

AMALIA FUENTES

BEST ACTRESS

DIEGO LOYZAGA

ENRIQUE GIL

JOEY LOYZAGA

LIEZL MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with