^

PSN Showbiz

Bangs ayaw nang maghubad!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay inamin ni Bangs Garcia na hindi na sila nagkikita ni Phil Younghusband na naugnay sa kanya ilang buwan na ang nakararaan. May bulung-bulungan ngayon na ang Binibining Pilipinas candidate na si Pia Wurtzbach naman daw ang bagong nililigawan ng Football superstar. “I’ve heard that and I’m happy for him. Hindi pa kami nagkausap ni Phil regarding that pero masaya ako para sa kanya. I support him sa lahat ng mga gusto niya,” bungad ni Bangs.

Umabot ng anim na buwan ang pagde-date ng aktres at ni Phil pero nahinto rin ito. “We stopped dating po November of last year. Mas okay kami bilang friends. Iyan po ang isa sa natutunan ko last year na hindi porke’t okay kayo together, hindi ibig sabihin noon okay kayo sa isang relationship. Sometimes mas okay talaga kung magkaibigan na lang. Ngayon I admit may nagpapa-smile sa akin pero wala siya dito sa Manila, nasa London siya. Half-British din siya at kinikilala ko pa lang. He makes me smile,” pagtatapat ni Bangs.

Kapansin-pansin ngayon ang maikling buhok ng dalaga na may kaugnayan daw sa kanyang mga gagawing proyekto. “Nagpa-cut na ako ng hair. So medyo bagets na ang hitsura ko ngayon. Siguro kasali ako sa mga rom-com (romantic-comedy) at wala munang pagpapa-sexy this time. Kasi napatunayan ko na ang sarili ko sa temang gano’n years ago. Medyo napaaga nga ‘yon eh, so ngayon back to zero. Balik tayo sa start,” paliwanag ng aktres.

Maiistorbo lang daw Daniel hindi tinatanggap ng mga eskuwelahan

Kinukuha na rin daw upang mag-artista ang bunsong kapatid na babae ni Daniel Padilla na si Carmela. Ayon sa inang si Karla Estrada ay hindi raw pinayagan ng aktor ang kapatid na pasukin ang show business. “Sabi niya, huwag daw. Ayaw niya kasi na parang ginagawang package deal ‘yung pag-aartista namin. Sabi ko, ‘Anak, hindi naman gano’n ‘yon,’ pero ang katwiran niya, pag-aralin ko dapat ang mga babae at pagtapusin muna ng pag-aaral. So sabi ko okay,’” nakangiting pahayag ni Karla.

Gusto na raw bumalik ni Daniel ngayon sa pag-aaral at ayaw na raw nito ng home study program. “First year college na siya but any time naman puwede siyang pumasok. Ang problema, hindi kami masyadong naa-accommodate ng eskwelahan dahil laging sinasabi sa amin na maiistorbo lang siya, na talaga namang totoo, nakakalungkot.

“Ayaw naman niyang mag-home study. Mas gusto niya ‘yung regular schooling. Baka mag-Filmmaking siya sa U.P., gusto niya ng gano’n. Gusto niya ng nasa loob ng paaralan.

“So sabi ko, ‘Anak, bigyan mo ang sarili mo ng time, tantyahin natin. Baka sa isang taon, puwede ka nang pumasok.’ This year kasi talagang wala ng bakanteng araw para sa kanya. Magtatrabaho siya hanggang first quarter ng 2016,” pagbabahagi ni Karla.

Samantala, sa March 14 ay magsisimula na sa Kapamilya network ang Your Face Sounds Fami­liar kung saan ay isa ang aktres sa contestants ng nasabing programa.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANAK

AYAW

BANGS GARCIA

BINIBINING PILIPINAS

DANIEL PADILLA

KARLA

KARLA ESTRADA

NGAYON I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with