^

PSN Showbiz

Kris hindi pa rin natitiis si Mayor Herbert?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kasama sa schedule kahapon ni Kris Aquino ang um-attend ng Quezon City Police Department Flag raising ceremony. In fact, ito ang una niyang sche­dule for Monday. Marami ang curious kung nagkita sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista at nangyari lang ito kung inimbitahan din si QC Mayor Herbert.

Pagkatapos mabasa ang post ni Kris na the-state-of-my-heart sa website niyang  withlovekrisaquino.com kung saan niya ikinuwento ang simula at pag­wa­wakas ng relasyon nila ni Mayor Herbert, marami na naman ang naging curious at inaabangan ang bawat kilos ng dalawa.

May mga naniniwalang posible pa rin silang mag­ka­balikan. Mas marami ang nagpapayo kay Kris na tu­luyan nang kalimutan si Mayor Herbert at mag-focus sa mga anak na siya nitong ginagawa. Ang anak na si Bimby Aquino Yap ang nagsilbing wake up call kay Kris na tapos na sila...sa ngayon ni Mayor Herbert.

Sam at Jasmine nagkagulatan nang magkita sa lamay?

Masaya na sana ang fans nina Sam Concepcion at Jasmine Curtis-Smith nang makita silang magkasama sa isang picture. Agad lang napalitan ng lungkot ang tuwa nila nang makitang hindi magkatabi ang dalawa sa picture.

Kaibigang non-showbiz girl ang katabi ni Jasmine at si LJ Reyes naman ang katabi ni Sam na kahit nakangiti, kita ang lungkot sa mga mata. Noon lang yata uli nagkita ang ex-couple after their break-up at tiyak, nagkagulatan pa.

Kasama sina Sam at Jasmine sa group of friends na kino-console ang isa nilang kaibigan na pumanaw ang ina. Tanong ng fans, nagbatian o nag-usap daw ba sina Sam at Jasmine?

Lovi sa picture lang maputi

The last time ma-interview namin si Lovi Poe sa biglaang birthday party niya sa restobar niyang Cable Car sa BGC kasabay ng launching ng music video nila ni Brian Sombero na Bigkas, nabanggit ni Lovi na this March na sisimulan ang shooting ng Lakambini (Woman Leader), ang indie film na tungkol sa buhay ni Gregoria de Jesus.

Nag-post si Lovi ng two pictures niyang naka-costume ng mga kababaihan noong unang panahon sa Instagram (IG). Ang caption nito sa unang picture ay “Very excited and at the same time nervous for this project. I will be portraying a role of a very influential person that made history in our country.”

“SOON!” naman ang caption sa ikalawang picture kung saan nasa harap siya ng nakahandang pagkain na nakalagay sa mga lumang gamit sa kusina. Bagay kay Lovi ang kanyang ayos, kaya makakaasa tayong magagampanan niya ng mahusay ang kanyang role.

Sina Jeffrey Jeturian at Ellen Ongkeko-Marfil ang dalawang directors ng Lakambini at produced ng Erasto Films. Ang screenplay ay kay Rody Vera na nanalong first prize sa 2014 Palanca Awards. Suportado ng Philippine Commission on Women (PCW) ang pelikula.

Matagal na pala namin itong gustong isulat. May mga nag-aakala kasing pumuti si Lovi sa gluta­thione dahil nakikita nilang maputi ito sa pictures na pino-post sa social media. Bina-bash pa siya ng iba sa paggamit nito. Pero ‘pag nakikita namin si Lovi, morena pa rin at hindi naman pumuti, hindi ba puwedeng dahil lang sa lighting kaya maputi siya sa litrato?

Andre tanggap ang mga komento na mas kamukha ng ina?!

Nakatutuwa ang reaction ng naka­basa ng post ni Andre Paras sa IG na “Magkamukha kami ni Papa Bear” habang katabi ang poster ni Benjie Paras na nag-i-endorse ng Handy Man.

May nag-agree kay Andre dahil pareho raw sila ng ama ng shape ng mukha, mga mata at kilay. pero mas marami ang nag-disagree at sinasabing mas kamukha niya ang inang si Jackie Forster. In fairness, hindi pa dine-delete ni Andre ang mga comment na pabor sa ina.

Sunshine matagal ang hinintay bago nakasama si Dingdong

Nagpahayag ng tuwa si Sunshine Dizon na muling makatrabaho ang kumpare niyang si Dingdong Dantes. Matagal nagkasama ang dalawa sa  T.G.I.S. at Anna Karenina na pareho pa silang mga bagets, pati na rin sa Encantadia.

Sa March 9 ang start ng airing ng Pari ‘Koy at kung susundan ang papalitang More Than Words, pagkatapos ng 24 Oras ang time slot nito.

vuukle comment

ANDRE PARAS

ANNA KARENINA

BENJIE PARAS

BIMBY AQUINO YAP

BRIAN SOMBERO

LOVI

MAYOR HERBERT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with