^

PSN Showbiz

Matteo at Sarah magkaiba ang sinasabi?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

I’m sure unang magre-react sa sinabi ni Matteo Guidicelli na napag-uusapan na rin nila ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo ang tungkol sa kasal ay ang mga magulang ng dalaga. ‘Yung pagbo-boyfriend nga ni Sarah ay mahirap at matagal nilang natanggap, ‘yun pa kayang pag-aasawa nito? Hindi kaya nabigla lang sa kanyang pagsasalita si Matteo lalo’t sa isang TV interview ay sinabi ni Sarah na malayo pa sa isip niya ang pag-aasawa?

Hintayin na lang natin ang balita tungkol sa naganap na post-Valentine celebration nila at saka tayo magsalita kung gaano na kalalim ang relasyon nila.

Request din kaya ng aktor?! Wansapanataym episode nina Coco at Julia tatlong buwan ang itatagal!

Nang malaman niya na gagawa siya ng episode sa Wansapanataym, hiniling ni Coco Martin na makaparehang muli si Julia Montes na agad-agad naman siyang pinagbigyan. Hindi lamang si Julia ang isinama sa palabas kundi maging si Alonzo Muhlach dahil marahil ay nasiyahan ang magaling na aktor dito. Nang minsang magkaroon pa siya ng pagkakataon ay pinasyalan niya ang bagets sa taping ng Inday Bote

Matagal na rin walang pinagsasamahang trabaho sina Coco at Juilia at marahil ay na-miss niya nang husto ang dalaga lalo na nang mapanood nito kung gaano kalaki ang inunlad ng acting nito sa Halik sa Hangin.

Unang pagkakataon ito na mapanood ang Wansapanataym ng hindi lamang isang buwan kundi tatlong buwan. Kasama sa cast ng episode na ito sina Eddie Garcia, Angel Aquino, Bing Loyzaga, at Nonie Buencamino.

Dahil sa request ni Coco sa dalaga, muling nanumbalik ang pagkaka-link sa kanilang dalawa ni Julia. Siyempre itatanggi nila ito, pero ang hindi nila maaring itanggi ay ang magandang relasyon na nabuo sa pagsasama nila sa trabaho. After Wansapanataym, isang movie naman ang pagsasamahan nila sa 2016 na ang konsepto mismo ay galing kay Coco.

Daniel aware sa kanyang pagtaba

At least, nakikinig naman pala si Daniel Padilla sa mga pamumuna tungkol sa pagtaba niya. Hindi nga naman maganda na ang isang heartthrob ay mataba. Nababawasan pa naman ng malaki ang kamachohan niya kapag mataba dahil ang unang bumibilog sa kanya ay ang ang mukha niya. Siyempre, maari ba siyang punahin dito ng ka-loveteam niyang si Kathryn Bernardo, eh baka magdamdam pa si DJ? Pero kung talagang concerned siya, dapat ay alagaan din niya si Daniel.

Marjorie walang time makipagtarayan

Wow, bongga ang ginagawang paghahanda para sa debut ni Julia Barretto. Sa sobrang kaabalahan ni Marjorie Barretto ay hindi na nito nagagawang patulan ang mga pagsasabong sa kanila ng kapatid na si Gretchen Barretto.

Ipagpatuloy mo lang yan Marjorie, at baka makaapekto ng maganda sa anak mo ‘yung hindi mo pagsasalita ng hindi maganda. Asikasuhin n’yo na lang ang party at mag-no comment na lang kapag natatanong tungkol sa isyu.

vuukle comment

ALONZO MUHLACH

ANGEL AQUINO

BING LOYZAGA

COCO MARTIN

JULIA

NIYA

WANSAPANATAYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with