^

PSN Showbiz

Iñigo laging binubuntutan ng ina!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naging emosyonal si Iñigo Pascual sa The Buzz noong Linggo nang tanungin ito tungkol sa kanyang inang si Donnabelle Lazaro. Ayon sa anak ni Piolo Pascual ay madalas daw niyang kasama ang ina sa kanyang mga trabaho pero iginiit ni Iñigo na hindi naman daw maituturing na ‘Stage Mom’. “We’re very close. She’s my best friend and she’s been with me my whole life,” pahayag ni Iñigo.

Naikwento rin ng binata na ang ina ang laging kausap noong panahon na nakaranas siya ng pambu-bully sa isang eskwelahan sa Amerika. “Sa States, there was a time I was being bullied because I had no friends. Siya po ang naging best friend ko. Siya po ‘yung sinasabihan ko whenever I have problems in school. We’re very close,” kwento ni Iñigo.

Bukas rin daw ang aktor sa pagsasabi sa ina tungkol sa kanyang buhay pag-ibig partikular na sa nararamdaman para kina Julia Barretto at Sofia Andres. Gusto raw ng ina ni Iñigo ang dalawang aktres at madalas ding payuhan ang aktor tungkol sa pag-ibig. “She likes both of them. Wala naman siyang pinipili. She respects my choices, pero she’s always telling me like, ‘This girl’s nice.’ She gives me advice,” pagbabahagi ng aktor.

Isang mensahe rin ang ibinigay ni Iñigo sa ina dahil sa patuloy nitong pag-aalaga at pagmamahal sa kanya. “I love you mom. You know how much I love you. Thank you for being here always.”

Maricar at Richard isini-share ang mga problema nila bilang mag-asawa

Magdadalawang taon nang kasal sa June sina Maricar Reyes at Richard Poon. Kahit wala pang anak ang mag-asawa ay napananatili naman daw nilang maayos ang kanilang pagsasama. Sa katunayan ay gumawa pa ng sariling website sina Maricar at Richard upang makapagbigay ng payo o tips para sa mga mag-asawa at mga magkasintahan pa lamang. “Natuwa lang kami kasi maraming curious sa relationship namin and kung ano ‘yung mga natutunan namin as a couple. Doon namin shine-share ang mga mistakes namin. Doon namin sinusulat,” bungad ni Maricar.

Katulad ng ibang mag-asawa ay nagkakaroon din daw ng tampuhan at away sina Maricar at Richard pero mabilis din silang nagkakaayos. Madalas daw nagkakaselosan ang dalawa dahil sa kanilang mga ginagawang trabaho. “Ang nakaka-amaze, lagi kaming nag-aaway pero after each away, masaya ‘yung pagkakabati. Siyempre kasama sa trabaho, pati kami as actors, like ‘yung last show ko, may asawa ako sa show. Dapat alam namin ‘yung work at ‘yung personal. Dapat magkahiwalay,” nakangiting pahayag ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

DAPAT

DONNABELLE LAZARO

JULIA BARRETTO

MARICAR

MARICAR REYES

PIOLO PASCUAL

RICHARD POON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with