^

PSN Showbiz

Cristine at Dimples magkasunod na nanganak

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Premature baby ang isinilang ni Cristine Reyes last February 8 na pinangalanan nila ng kanyang nobyong si Ali Khatibi na Amarah. Seven months old pa lamang si Amarah nang siya’y iluwal ng kanyang inang si Cristine kaya kinakailangan pa niyang maiwan sa pagamutan.

Dahil marahil sa sitwasyon ni Baby Amarah kaya hindi agad ipinaalam ni Cristine sa publiko ang kanyang panganganak and it took her almost a week bago siya nag-post ng picture ng first baby nila ng kanyang partner na si Ali.

Kung ang nakatatandang kapatid ni Cristine na si Ara Mina ang huling celebrity na nagsilang last December 2014, si Cristine naman ang kauna-unahang celebrity mom na nagsilang sa simula ng taong 2015 na sinundan ni Dimples Romana na nagsilang ng baby boy (Alonzo Romeo Jose) last February 12.

Parehong baby girl ang isinilang ng magkasunod ng magkapatid na Ara at Cristine.

Dating That’s Entertainment star Shirley Fuentes binatilyo na ang anak

Unknown to many, ang seksing singer-actress-TV host na si Shirley Fuentes ay meron nang isang teenage son. Twelve years old na ang kaisa-isang anak ni Shirley na ang ama ay isang Japanese national.

Si Shirley ay regular pa rin napapanood sa long-running late night TV program na Walang Tulugan with the Master Showman ng veteran TV host na si German “Kuya Germs” Moreno na kasalukuyan pa rin nagpapagaling matapos itong magkaroon ng mild stroke last January 2 sa kanyang bahay.

Si Shirley ay dating miyembro ng now-defunct youth-oriented program na That’s Entertainment at naging contract star din siya noon ng OctoArts Films kung saan niya nakasama ang iba pang That’s Entertainment members na sina Jennifer Mendoza at Mikee Villanueva.

Sa pagkakaalam namin, si Jennifer ay may isang anak na babae sa isang businessman habang si Mikee naman ay naka-base sa Las Vegas, Nevada with her husband at mga anak. Nasa real estate business si Mikee at mister niyang si Chris Cadiz ganoon din ang in-laws ni Mikee. Meron na ring ilang properties sa Vegas ang mag-asawang Mikee at Chris.

vuukle comment

ALI KHATIBI

ALONZO ROMEO JOSE

AMARAH

ARA MINA

BABY AMARAH

CHRIS CADIZ

CRISTINE

CRISTINE REYES

SHIRLEY FUENTES

SI SHIRLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with