^

PSN Showbiz

Manolo virgin pa sa babae!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Labis ang pasasalamat ni Manolo Pedrosa dahil kahit baguhan pa lamang siya sa show business ay marami na siyang proyektong ginagawa. Katambal ng binata si Janella Salvador sa Oh My G! si Maris Racal naman sa pelikulang Star Versus Me. “Suwerte lang po talaga siguro kasi dalawa ‘yung ka-love team ko. I feel so blessed na may opportunity to work with Janella and Maris. Ako po talaga, I just go with the flow po,” nakangiting pahayag ni Manolo.

Mas malapit daw ang binata kay Maris kaysa kay Janella dahil mas matagal na niya itong kilala. “Si Maris po kasi kasama ko na siya dati pa sa PBB (Pinoy Big Brother). Kumbaga po mas kilala ko na siya. More time kaming nag-bonding ni Maris. Si Janella po kasi, since kakakilala din lang namin do’n sa MMK (Maalaala Mo Kaya) at kaka-start din lang namin sa Oh My G! So medyo hindi pa gano’n ‘yung bonding. Kay Maris po, sobrang comfortable po kami with each other ‘pag nagsu-shoot po. Sobrang parang walang masyadong effort ‘pag kaming dalawa po,” pagkukumpara ni Manolo kina Janella at Maris.

Hindi pa raw nakararanas na magkaroon ng ka­sintahan ng aktor hanggang ngayon pero hindi siya nagmamadaling makahanap ng makakarelasyon. “For me po, walang deadline, walang schedule ‘yung love, dumadating lang siya. Hindi ko muna iniisip ‘yang mga love na ‘yan. Happy naman po ako kahit single ako. Nandiyan naman si Maris, masaya naman po kami sa friendship namin,” pagtatapos ni Manolo.

Alex takot na uling masaktan

Matagal-tagal na ring walang kasintahan si Alex Gonzaga. Sa ngayon ay hindi pa raw iniisip ng aktres na magkaroon ulit ng nobyo dahil natatakot na siyang masaktan. “Nag-promise na talaga ako sa sarili ko na ayaw ko nang masaktan talaga,” bungad ni Alex. “Ang hirap na masasaktan ka ng isang tao na hindi mo rin naman makakasama in the end. Hinahayaan mong masaktan ka ng isang tao na hindi mo rin naman makakasama in the end. Hinahayaan mong masaktan ka ng isang tao na hindi ka naman kayang panagutan. So you have to choose the pain,” makahulugang pahayag ng aktres.

Malaking bagay daw ang ginagawang pangangaral ng mga magulang ni Alex sa kanya upang makaiwas na masaktan muli. “Kaysa maranasan mo, makinig ka na lang sa kanila. Kasi it will spare you sa sobrang sakit na pain,” giit ni Alex. Tumatak daw sa isipan ng aktres ang sinabi ng kanyang ama noon na, ‘Experience is the best teacher, but is also the worst one.’ Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

HINAHAYAAN

JANELLA

JANELLA AND MARIS

JANELLA SALVADOR

MANOLO

MARIS

OH MY G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with