^

PSN Showbiz

Asian movies ipapalabas sa Tagalized

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tiyak na matutuwa ang fans ng Korean superstar na si Lee Min Ho dahil mapapanood na sa ilang SM Cinemas at Walter Mart Theaters ang Tagalized movie ng actor na Gangnam Blues bilang kauna-unahang Asian movie na maipapalabas ng Sine Asia Theater.

Madaragdagan na rin ang choices ng mga Pinoy sa panonood ng pelikula dahil mapapanood na rin sa Sine Asia ang iba’t ibang pelikula ng Asian Countries tulad ng Japan, Korea, Hong Kong, Taiwan, Taipei at iba pa na Tagalized kaya maiintindihan na ng mga manonood na animo’y nanonood sila ng Filipino film.

Sa rami ng mga sinehan sa buong bansa, hindi ito makakaapekto sa mga Filipino movies dahil ilang movie theaters lamang ang pagpapalabasan ng mga Asian movies ng Sine Asia.

Samantala, at the Sine Asia contract signing kung saan present ang big bosses ng Viva na si Boss Vic del Rosario at Vincent del Rosario at maging ang pangulo ng SM Lifestyle Entertainment na si Edgar Terejero, ibinulong sa amin ni Boss Vic na kausap na umano niya ang box office director na si Wenn Deramas para mag-direct ng launching movie ng bagong child star na si Alonzo Muhlach na co-production ng Viva Films at produksiyon ni Niño Muhlach.

Naniniwala si Boss Vic na magiging panibagong Child Wonder ang almost five-year-old na si Alonzo.

Erik at Angeline magdi-date sa Hawaii

Marami man ang hindi naniniwala na mayroong relasyon ngayon sina Erik Santos at Angeline Quinto, walang pakialam ang dalawa dahil ang mahalaga ay masaya at nag-i-enjoy sila sa isa’t isa.

Nasa Hawaii ngayon ang rumored sweethearts dahil meron silang show doon on February 7 and 8 at plano nilang mag-extend ng ilang araw para na rin makapamasyal at makapag-bonding lalupa’t napaka-romantic place ng Hawaii.

Gustuhin man nina Erik at Angeline na sa Hawaii mag-spend ang Valentine’s day, hindi ito puwede dahil meron silang Valentine show sa Dagupan on February 14.

vuukle comment

ALONZO MUHLACH

ANGELINE QUINTO

ASIAN COUNTRIES

BOSS VIC

CHILD WONDER

EDGAR TEREJERO

ERIK

ERIK SANTOS

SINE ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with