^

PSN Showbiz

Martin kasundo lahat ng ex!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Si Martin Nievera sa taping kahapon ng KrisTV sa 19 East, Parañaque City.

Birthday tribute kay Martin ang episode na ‘yon ng morning talk show ni Kris Aquino at ipapalabas ‘yon bukas na birthday mismo ng tinaguriang original concert king.

Pinuri ni Kris si Martin dahil kasundo ng TV host/singer ang lahat ng naging ex niya.

Nagbiro naman si Martin na hindi niya alam “Y” ang mga “X” niya ay pare-pareho niyang friends.

But kidding aside, masaya si Martin na okay sila ng lahat ng nakarelasyon niya.

May kinalaman din sa promo ng Ultimate Va­lentine’s concert nila nina Regine Velasquez, Lani Misalucha, at Gary Valenciano ang guesting na ‘yon ni Martin sa KrisTV.

Xian walang binatbat sa PR ni Kim

Si Kim Chiu ang co-host kahapon ni Kris.

Na-missed ni Kris si Kim dahil matagal itong hindi nakapag-guest co-host sa KrisTV.

Isa si Kim sa mga paborito ni Kris na guest co-host sa kanyang morning talk show.

As always, very nice si Kim nang makita ko. Sobrang PR talaga ng rumored-girlfriend ni Xian Lim.

Inalok pa niya akong maupo sa sofa, kaya pinuri ko talaga ang pagiging nice niya.

Yes, matindi pa rin ang wish ko na mahawa ng magandang PR ni Kim si Xian.

Angeline hindi sumusuko sa relasyon nila ni Erik

Ang pag-amin ni Angeline Quinto na sampung araw rin niyang hindi kinausap o sinagot ang mga text sa kanya ng rumored-boyfriend niyang si Erik Santos.

Sa tanggapin man o hindi nina Angeline at Erik, maraming nagtataas ng kanilang mga kilay kapag napag-uusapan ang rumored-relationship ng dalawa.

Maraming mga nagsasabing hindi sila naniniwala na may relas­yon ang dalawa, pero mukhang hindi naman gumi-give-up sina Angeline at Erik sa kanilang closeness dahil lang sa sinasabi ng ibang mga tao.

May kinalaman nga pala ang ilang selfie pictures ni Erik kasama ang singer na si K-La Rivera sa birthday party niya kaya inisnab-isnab muna siya ni Angeline.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

ERIK

ERIK SANTOS

GARY VALENCIANO

K-LA RIVERA

KRIS AQUINO

LANI MISALUCHA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with