^

PSN Showbiz

Bea at Jake may pinagdaraanan!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May problema sina Bea Binene at Jake Vargas sa kanilang relasyon, pero hindi nila inaamin kung break na ba talaga sila.

Sa presscon nga ng Liwanag sa Dilim kahapon ay inusisa sila ng entertainment press tungkol doon, pero naging maingat sila sa pagsagot.

Pati ang direktor nilang si Richard Somes at co-star na si Sarah Lahbati, hindi rin “napiga” tungkol sa tsikang hiwalay na ang dalawa.

Ang nanay naman ni Bea na si Mommy Carina, sinabing hindi raw inaamin sa kanya ng anak ang real score sa relasyon nito kay Jake.

“Basta po ang sinasabi ni Bea sa akin, may promo ng movie. Wala po siyang sinasabi kung wala na sila,” sey ni Mommy Carina, na obvious na may problema nga sa relasyon ng anak at ni Jake if you will read between the lines sa sagot niya sa tanong ko.

Nagkaroon nga pala ng “closed door” meeting sina Bea, Jake, mga taga-GMA Artist Center at mga taga-Liwanag sa Dilim production people.

Ang duda ng ibang entertainment press na naiwan pa sa venue ng presscon ng nasabing pelikula, baka napagsabihan sila tungkol sa status ng kanilang relasyon na posibleng makaapekto sa promotions ng Liwanag sa Dilim.

Kinausap ko nga ang APT Entertainment, Inc. executive na si Rams David tungkol doon at nagpaliwanag siya tungkol sa nasabing “closed door” meeting.

“Kinausap namin sila dahil dapat, February 25 ang showing namin, pero napaaga ‘yon at naging February 11, kaya nagpalit-palit ang schedules ng mga promo namin. May mall shows kami dapat na naiba na tuloy.

“Pati ibang promos namin, naiba, so kinausap namin sila para sa schedules.

“’Yung tungkol naman sa problema yata sa relasyon nila, sinabihan ko lang sila na sana huwag makaapekto ‘yon sa schedules ng promo namin. Na dapat, kung ano ang problema sa relasyon nila, out kami.

“Kasi kung magkakaproblema sila sa araw ng promo namin, hindi puwedeng hindi sila sisipot doon. ‘Yun lang naman ang sinabi ko sa kanila at nag-yes naman sila na makakaasa kami na walang magiging problema sa schedules ng mga promo namin,” paliwanag pa ni Rams.

Sinabi rin naman ni Rams na mismong sina Bea at Jake na ang nagsabing hindi pa naman sila hiwalay.

Nanay ni young actress galit sa BF ng anak na young actor

Hindi maikakailang nagkakaproblema ang young sweethearts na ito.

May tsikang hindi type ng nanay ni young actress ang young actor na karelasyon ng anak, pero nag-deny na tungkol sa bagay na ‘yon ang nanay ni young actress.

Hindi raw siya nakikialam sa relasyon ng anak, pero ang nakakaloka sa dialogue niya ay, “Magde-debut na ngayong 2015 ang anak ko, hindi ba mas maganda kung wala muna siyang boyfriend sa debut niya?!”

Hmph. Mauuwi nga kaya sa hiwalayan ang relasyon nina young actress at young actor lalo na at may tsikang ang dalas nilang mag-away ngayon?

vuukle comment

BEA

DILIM

LIWANAG

MOMMY CARINA

NAMIN

RELASYON

SILA

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with