^

PSN Showbiz

Maris nanigas, na-shock kay Julia!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa Miyerkules ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Halik sa Hangin na pinagbibidahan nina Julia Montes, JC De Vera, at Gerald Anderson. Kasama rin sa nasabing proyekto si Maris Racal na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakagawa ng isang pelikula. “Daming first time ko, sobrang kinabahan ako but at the same time sobrang excited din. Kasi I got to work with Julia Montes kasi siya lang ‘yung lead sa cast na naka-scene ko and masaya naman. Mabait ‘yung mga tao,” nakangiting kuwento ni Maris.

Halos hindi raw makapaniwala ang dalaga na makakatrabaho niya ang isang Julia Montes. “Pagkakita ko po sa kanya sa personal, sobrang na-shock po ako, sobrang nanigas kasi grabe ‘yung kaba ko. Kasi sa TV ko lang siya napapanood, ngayon I will act with her and then humanga ako nang sobra. Kasi ang bait niya rin, tinutulungan niya ako sa mga scenes,” pagbabahagi ni Maris.

Bilang baguhan sa show business ay binigyan pa raw ng mga payo ni Julia si Maris. “Sinabi niya sa akin na gano’n din ‘yung na-feel niya no’ng nagsisimula pa lang siya, gano’n din ‘yung naramdaman niya kaya pray ka lang talaga at makinig sa director at huwag isipin ‘yung mga negative comments,” pagtatapos ni Maris.

BB kay Carmina pala unang nag-‘out’!

Hindi inakala ni BB Gandanghari na makakasama niya ang mga kapatid na sina Robin at Rommel Padilla sa isang pelikula at isang palabas sa telebisyon. “’Yung sa movie, matagal nang plano ‘yon, pero nauna pa ito. Girl ang role ko sa sitcom kaya natural lang na dapat mataas ‘yung boses ko,” bungad ni BB.

Samantala, noong isang taon ay napabalitang magpapa-sex change na si BB pero ano na nga ba ang nangyari tungkol dito? “I’ve been transitioning. It’s been a process, it’s a process. Pero di ba, mas sexy ako ngayon kaysa last year? If you’re going through the whole thing ay tatanggalin ‘yon. Pero parang ngayon ay may ginagawa na para hindi na kailangang tanggalin,” makahulugang pahayag ni BB. “I’m taking estrogen. Parang kinokontrol no’n ‘yung testosterone ko and then pinapalakas ‘yung estrogen. Hindi naman kasi pwedeng biglain ‘yon eh,” dagdag pa niya.

Unang umamin si BB sa telebisyon tungkol sa kanyang tunay na pagkatao noong pumasok siya sa Pinoy Big Brother ilang taon na ang nakararaan. Ki­nausap daw ni BB ang dating asawa na si Carmina Villarroel tungkol sa kanyang mga plano. “Nag-usap kami ni Carmina 2005, may closure sina Rustom (Padilla) at Carmina. Sa kanya ko unang sinabing mag-a-out ako to be fair to her. That time pareho kaming may problema. Nagpasalamat siya kay Rustom na hindi nag-react noong manganak siya. Kaya noong ako naman ang nangailangan ng tulong, tinulungan niya ako. Hindi na uli kami nagkita, walang chance,” pagbabahagi pa niya.

Reports from James C. Cantos

vuukle comment

AKO

CARMINA

CARMINA VILLARROEL

DE VERA

GERALD ANDERSON

JAMES C

JULIA MONTES

NIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with