^

PSN Showbiz

MJ inaabangan na kung magiging ikatlong Pinay Miss U!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Si MJ Lastimosa na kaya ang hihiranging ikatlong Pinay Miss Universe?

Malalaman ang sagot sa 63rd Annual Miss Universe na mapapanood sa ABS-CBN via satellite sa Doral-Miami, Florida ngayong Lunes (Jan 26), 10:00 AM.

Umaasa ang Pinoy fans na mauwi na sa wakas ni MJ ang korona lalo pa’t laging pasok ang Pilipinas sa top five simula noong 2010.

Crowd favorite din ang 27 year old beauty mula South Cotabato sa kumpetisyon. Mainit ngang tinanggap ang pambato ng ban­sa sa ginawang preliminary round kung saan rumampa si MJ suot ang kanyang national costume, swimsuit, at evening gown.

Pasok din lagi sa top five si MJ sa iba’t ibang pageant sites na nagbibigay ng kani-kanilang prediksyon sa magiging resulta ng patimpalak.

Sa huli, nakasalalay ang kapalaran ni MJ sa napiling mga hurado na kinabibilangan nina Kristin Cavallari, Lisa Vanderpump, Louise Roe, William Levy, at mismong pambansang kamao ng Pilipinas na si Manny Pacquiao.

Gaganapin ang pageant night sa FIU Arena sa pangunguna ng hosts na sina Natalie Morales ng Today at Thomas Roberts ng MSNBC. Magtatanghal din ang international recording artist na si Nick Jonas at breakthrough Latin superstar na si Prince Royce.

Mapapanood din ito sa Lifestyle Network ng 9 AM.


 

 

 

 

vuukle comment

ANNUAL MISS UNIVERSE

KRISTIN CAVALLARI

LEFT

LIFESTYLE NETWORK

LISA VANDERPUMP

LOUISE ROE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with