^

PSN Showbiz

Iñigo walang planong ligawan si Julia, mas gusto si Sofia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Itinanggi ni Iñigo Pascual ang balitang sabay niyang nililigawan sina Julia Barretto at Sofia Andres.

Nakatambal ni Iñigo si Sofia sa pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig na ipinalabas sa mga sinehan kamakailan at si Julia naman ang bagong katambal ng anak ni Piolo Pascual sa weekly series na Wansapanataym. “Hindi po totoo na nililigawan ko si Julia, and hindi po totoo na pinagsasabay ko silang dalawa,” giit ni Iñigo.

“We’re good friends. Not officially together, but we were talking and I can say we had something special. No label to it,” makahulugang pahayag ng binata.

Kabilang si Sofia ngayon sa teleseryeng Forevermore na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano. Nagkausap at nagkaintindihan daw sina Iñigo at Sofia nang magkahiwalay ang kanilang mga landas. “We didn’t give up on each other, I mean I had to tell her that’s it’s our job. We have different love teams, we can’t control things. We were never officially together. I mean we had a good talk, we just hugged. It wasn’t goodbye,” kwento ni Iñigo.

Hindi raw sumasagi sa isipan ng binata na ligawan ngayon si Julia. “Parehas kaming 17 (years old) and hindi naman po sa takot, we’re both young and it’s not something that we’re really focusing on right now,” paliwanag ni Iñigo.

Marlo ayaw ng nanay ni Janella

Noon pa napababalitang hindi raw boto ang ina ni Janella Salvador na si Jenine Desiderio kay Marlo Mortel para sa anak. Para kay Janella ay normal naman sa kahit sinong ina na hindi kaagad magustuhan ang lalaking magkakagusto sa anak na babae. “No, actually he’s very close naman to my mom pero siyempre naman as a mom, lahat naman ng mom, wala silang kinakampihan na boys talaga,” bungad ni Janella.

Aminado si Marlon na mayroon siyang crush kay Janella. Ayon pa sa aktor ay naimbatahan na siya ni Jenine sa kanilang bahay. Makapaghihintay daw ang binata kay Janella kung kailan magiging handa ang aktres na makipagrelasyon. “Siyempre naman po. ‘Yung tipo ni Janella, ‘yan ‘yung tipo na worth waiting for,” makahulugang pahayag ni Marlo.

Naging malapit sa isa’t isa sina Janella at Marlo dahil sa teleseryeng Be Careful With My Heart kung saan sumikat din ang tambalan ng dalawa.

Muling pakikiligin ng dalawa ang mga manonood sa Oh My G! na magsisimula na sa January 19.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BE CAREFUL WITH MY HEART

ENRIQUE GIL

JANELLA

JANELLA SALVADOR

JENINE DESIDERIO

JULIA

JULIA BARRETTO

MARLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with