^

PSN Showbiz

MMFF 2014 hindi umabot sa quota!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

As of this writing ay hindi pa rin nagpapalabas ng official figures and Metro Manila Film Festival Committee na pinamumunuan ng over-all chairman na si Atty. Francis Tolentino sa kinalabasan ng total gross ng ika-40th Metro Manila Film Festival na nagtapos kahapon, Martes.

Based on the earlier figures, hindi umabot ng isang bilyong piso ang kinita ng festival na ang target ay P1.5B kaya hindi nito naabot at nalagpasan ang kinita ng 2013 MMFF gross na umabot ng mahigit isang bil­yon kung saan ang respective movies nina Vic Sotto (My Little Bossings) at Vice Ganda (Girl, Boy, Bakla, Tomboy) ay parehong nakapag-contribute ng mahigit P400-M each plus.

Wala naman gaanong expectation si Jennylyn Mercado sa kalalabasan ng kanyang MMFF movie with Derek Ramsay, ang English Only, Please na dinirek ni Dan Villegas for Quantum Films.  Alam ng singer-actress na mabibigat ang kanilang mga kalaban at wala ring gaanong promo ang kanilang pelikula.

Neither inasahan niyang siya ang mananalong Best Actress at Best Actor naman ang kapareha niyang si Derek Ramsay.

Dahil sa kontrobersiyang dulot ng kanilang pagkakapanalo sa nakaraang Gabi ng Parangal, naging maganda ang epekto nito sa box office ng pelikula dahil marami ang naging curious at umabot sa P100-M ang kinita ng pelikula.

Carry over naman sa taong 2015 ang high spirits ni Jennylyn na magsisimulang mapanood sa isang bagong serye ng GMA, ang Second Chances kung saan niya kasama sina Raymart Santiago, Rafael Rosell, at iba pa.

Erich and Kaye madalas nadala sa mga awayan

Ang Two Wives na tinatampukan nina Erich Gonzales, Jason Abalos, at Kaye Abad ang isa sa mga 2014 TV series ng ABS-CBN na patuloy na sinusubaybayan hanggang ngayong pagpasok ng 2015.

Habang tumatagal ang serye ay lalong nagiging intense ang mga kaganapan kaya tutok na tutok sa programa ang mga manonood  sa local remake ng hit Koreanovela of same title.

Aminado ang tatlong lead stars ng Two Wives na ito na ang pinakamatinding roles na kanilang ginampanan at dito talaga na-challenge ang kanilang acting abilities.

Hindi rin ikinakaila nina Erich at Kaye na minsan ay nadadala sila sa kanilang mga papel na ginagam­panan laluna sa mabibigat na eksena.

Dating aktres na si Janna Victoria umaasang magkaka-career pa

Nasa Shang-ri la Plaza kami last January 5 ng hapon when we bumped into actress Janna Victoria na nasa pangangalaga pala ngayon ng Viva Ta­lent Management.

Si Janna ay unang nakilala sa pelikulang La­garista in 2006 na sinundan ng Blue Moon in 2006.  Huli siyang napanood sa hit movie nina James Ried at Nadine Iluste, ang Talk Back and You’re Dead na produced ng Viva Films.

Although naging sila ng aktor na si Dominic Ochoa hindi sila ang nagkatuluyan sa tunay na bu­hay. Si Dominic ay may asawang iba at si Janna na­man ay napangasawa ang young businessman na si Joseph Flores, first cousin ng actor-politician na si Robert Or­tega.  May 7-year old sina Janna at Joseph, si Jordana Brielle Va­lentin Flores.

Tulad ng ibang wish ng mga artista, umaasa si Janna na mas magiging aktibo ang kanyang acting career this year.

vuukle comment

ANG TWO WIVES

BEST ACTOR

BEST ACTRESS

BLUE MOON

DAN VILLEGAS

DEREK RAMSAY

JANNA

JANNA VICTORIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with