^

PSN Showbiz

Ogie babanggain si Michael Bublé

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Isa si Ogie Alcasid sa mga hosts/performers sa New Year Countdown ng TV5 na ginawa sa Quezon City Memorial Circle. Okey sa kanya ang nagtatrabaho na pasara ang taon at parating ang bagong taon para busy ang buong 2015 niya.

Galing sa bakasyon sa Australia sina Ogie, Regine Velasquez at anak nilang si Nate at tuwang-tuwa si Ogie na nakikitang close ang mga anak niyang babae kay Nate. Ibinalita na agad nito na dito sa ‘Pinas magpa-Pasko ang kanyang mga anak na sina Leila at Sarah kasama ang ex-wife na si Michelle van Eime­ren at husband nitong si Mark Morrow.

Hermes bag ang Christmas gift ni Ogie kay Regine at Rolex watch naman ang regalo sa kanya ng asawa. Eroplano ang Christmas gift nila sa anak nilang si Nate dahil sobrang hilig nito rito, tila magiging piloto ang bagets paglaki nito.

Nabanggit ni Ogie na siya ang host ng singing ta­lent search ng TV5 na Rising Star na kundi January ay February ang start. May sitcom din siya sa second quarter ng 2015 at marami pang projects.

Sa January 31, may concert siya sa Philippine Arena billed MuSIKATin kasama sina Haji Alejandro, Randy Santiago, Vernie Varga, Lovi Poe, So­lenn Heussaff, Angeline Quinto, PRISM, Jet Pa­ngan, at Michael V. Kasama rin ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa direction ni Paolo Valenciano.

Kampante si Ogie na mapupuno nila ang 55,000 seating capacity ng Phil. Arena kahit kasabay nila ang concert ni Michael Bublé.

Dennis inaabangan na kung maisasayaw ni Julia sa debut

Pagkatapos ni Marian Rivera, si Julia Barretto ang next local celebrity na igagawa ng gown ni Michael Cinco at ang gown ay para sa March 10 debut niya. Nag-first meeting na ang dalawa at may kasamang picture ang meeting na ‘yun.

This early, may mga nagtatanong na kung invited sa debut ni Julia ang amang si Dennis Padilla dahil may isyu nga sa kanila ‘di ba? Inaabangan din kung sino ang makakasayaw ni Julia sa portion na ang isang debutante ay isinasayaw ng ama kung hindi imbitado si Dennis.

Rafael solar power ang ipinalalagay sa bagong bahay

Kabilang si Rafael Rosell sa mga artistang nagpapatayo ng bahay para sa kanyang pamilya sa may Antipolo. Doble ang saya nito dahil ngayon lang niya matutupad ang ipinangakong bahay sa kanyang pamilya.

Pinag-ipunan nang matagal ni Rafael ang bahay at puyat at pagod ang puhunan niya rito, kaya naman excited na finally na matitirahan na nila ito. Sa isang interview namin sa aktor, nabanggit na may konting problema siya sa lighting fixtures ng bahay. Gusto niyang solar power ang ilagay rito, pero hindi raw buong bahay at lahat ng electrical needs ng bahay ang masasakop.

Anyway, nagbibigay rin ng saya kay Rafael ang bagong soap na Second Chances ng GMA-7 na eere na sa January 12.

Paulo nagpaalam na sa social media

Inaabangan na ng fans nina Paulo Avelino at KC Concepcion ang Exchange Gift episode ng Give Love On Christmas, ang post-Christmas treat nila sa kanilang fans. One week itong mapapanood sa ABS-CBN, 11:30 a.m., at habang pahinga sa social media ang aktor, sa TV screen muna siya panonoorin ng kanyang fans.

Sa Instagram (IG), nag-post si Paulo ng “Keep Calm and Stay Away From Social Media” at ang caption niya ay “Stayin away from social media for a while. HAPPY New Year!!! Let’s all welcome 2015 with positivity, smiles and a happy start.”

Bukod sa Regal Entertainment movie na  Mara na kailangan nilang i-promote nina Isabelle Daza, may Bridges pa siya sa ABS-CBN.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

BAHAY

DENNIS PADILLA

EXCHANGE GIFT

JULIA

NATE

OGIE

RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with