^

PSN Showbiz

Jessica binalikan ang mga ginawa sa abroad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa nakalipas na sampung taon ng Kapuso Mo, Jessica Soho, kung saan-saang bansa na namasyal, nag-foodtrip at kumilala ng mayamang kultura ng ibang lahi ang programa. Kaya naman sa unang handog ng KMJS10 sa 2015, babalikan nito ang hindi malilimutang out of the country trips ni Jessica Soho sa nakaraang isang dekada.

Lilibutin uli ng KMJS ang magical world na Wi­zarding World of Harry Potter sa Osaka, Japan. Ma­mangha kung paanong naisabuhay ang mga eksena mula sa libro at pelikula sa isang amusement theme park.

Hindi na rin kailangan pa ng visa para makalipad sa Italya, dahil KMJS na ang bahala sa pamamasyal sa Roma, Napoli at Florence. Muling tikman ang mga pagkaing talaga namang “delizioso”! 

 May Asian food trip din sa bansang Thailand, Singapore at Macau.

 Bibisitahin ding muli ng KMJS ang Russia para saksihan kung paano ginagawa ang Matryoshka dolls at tikman ang pinagmamalaki nilang Russian chocolates!

 Hindi rin makukumpleto ang special episode na ito kung hindi muling mamamalas ang mayamang kultura at kasaysayan ng bansang Mexico.

 At sabay-sabay na balikan ang madamda­ming paghahanap ni Jessica sa mga kamag-anak niyang Tsino sa isang komunidad sa Guangzhou, China.

 Kaya sit back, relax and enjoy dahil hindi na kailangang maghintay ng seat sale sa biyaheng ito! Biyaheng KMJS10 ngayong Linggo, January 4, 7:45 p.m. sa GMA-7.

 

 

vuukle comment

BIBISITAHIN

BIYAHENG

GUANGZHOU

JESSICA SOHO

KAPUSO MO

KAYA

MAY ASIAN

WORLD OF HARRY POTTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with