^

PSN Showbiz

Vic inaming grabe sa kakulitan si Alonzo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang mag-amang Niño Muhlach at Alonzo Muhlach ang unang dumating sa 2nd and final presscon ng My Big Bossing, ang official entry ng OctoArts Films, M-Zet Films, at APT Entertainment sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Si Alonzo ang nagsilbing entertainer habang hinihintay ang pagdating ng ibang cast na pinangu­ngunahan nina Bossing (Vic Sotto) at Ryzza Mae Dizon.

Bago nagsimula ang presscon proper ay nagpakitang gilas si Alonzo ng kanyang husay sa pagsasayaw at maya-maya lamang ay sumama na sa kanya si Ryzza Mae.  Nakakaaliw tingnan sina Ryzza Mae at Alonzo.

Ang araw-araw na pagsasama nina Ryzza Mae at Alonzo sa The R­yzza Mae Show ay lalong nagpatatag sa tandem ng dalawa.

Samantala, sinabi ni Bossing na nakatrabaho niya noon ang child wonder na si Niño sa pelikulang Tatlo ang Tatay Ko kung saan din kasama sina (Sen.) Tito Sotto at Joey de Leon.

“Grabe ang pagkabibo ni Onin (Niño) noon pero sobra naman ang pagkakulit ni Alonzo ngayon,” ani Bossing.

Ayaw pagkumparahin ni Bossing sina Bimby Aquino Yap at Alonzo dahil magkaibang-magkaiba ang dalawa. Bukod sa older si Bimby kay Alonzo, tahimik lamang daw ang bunso ni Kris Aquino.

Ayon kay Bossing, bagay kay Bimby ang role ni Bimby sa My Little Bossings ganundin naman si Alonzo sa My Big Bossing.

Speaking of Bossing, never itong nag-claim na ang My Big Bossing ang mangunguna sa takilya.

“Ang wish ko lang ay sana mapantayan o kung hindi man ay malagpasan ang naabot ng My Little Bossings last year. Wish ko rin na lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF ay kumita para everyboday happy at marami ang matutulu­ngan,” aniya.

Maraming artista lulong pa rin sa droga

Alam mo, Salve A., hanggang ngayon ay marami pa ring mga artista ang patuloy na napapariwara ang buhay dahil sa iba’t ibang masasamang bisyo sa sugal, drugs, at alak. Pero sa halip na magbago ay sinusunod pa rin nila ang layaw at luho ng kanilang bisyo na siyang nagpapaligaya sa kanila.

Ilang kilalang showbiz personalities na ba ang labas-masok ng kulungan dahil sa bisyo? Ang iba naman ay masuwerteng hindi pa natitiyempuhan ng mga awtoridad.

Ilan na ba sa mga artista ang nasira ang buhay dahil sa masamang bisyo pero sa kabila nito ay hindi pa rin sila nadadala o natututo?

Ang nangyari kamakailan lang sa dating Seiko sexy actor na si Anton Bernardo ay isa lamang sa napakaraming kaso na kinasangkutan ng mga kila­lang personalidad sa showbiz.

Si Anton ay nasa management dati ni Direk Maryo J. delos Reyes pero wala na ito sa kanyang poder nang mangyari ang pagkakahuli sa kanya na may kinalaman sa droga.  Nalungkot si Direk Maryo J. sa kinasangkutan ng dati niyang alaga.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

BIMBY

BOSSING

DIREK MARYO J

MY BIG BOSSING

MY LITTLE BOSSINGS

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with