Marian agad-agad gustong mabuntis
MANILA, Philippines - “Hanggang kaya ko,” sagot ni Marian Rivera sa tanong kung ilang anak ang plano nila ng magiging mister na si Dingdong Dantes kahapon sa bigay na bridal shower ng Belo Medical Group.
Agad-agad din. As in pagkakasal, hindi na sila magpapapitik-pitik, gagawa na agad sila ng anak.
Sa MOA Arena ang wedding reception at may kakaibang magic daw na ginawa para sa setup ng arena.
“Ang laki ng gastos namin du’n,” sabi ni Marian kahapon nang abutan namin sa Bambbi Fuentes Salon bago ang Belo bridal shower.
Samantala, ang saya-saya ng bigay na bridal shower ng Belo Group na pinangunahan ni Ms. Cristalle Belo kasama ang entertainment press.
May games at raffle pa na another moment to remember bago ang kasalan sa December 30.
“Weddings are always a heartwarming celebration that revolves around the bride. Any bride can be as strikingly beautiful as Marian on her big day. In Belo, we have created bridal packages that can help her glow and radiate – from her face all the way down to her waist!,” pahayag ni Ms. Cristalle.
Kaya kahit daw abala siya (Marian) sa kabi-kabilang bridal shower, pabalik-balik siya sa Belo clinic para bonggang-bongga ang paglalakad niya papunta sa altar.
“Alam mo, Dong has been a Belo baby for years and I am so happy that I am now able to share this Belo experience with him. I love how I can achieve that glow despite being really busy with work …and after all the bridal showers, pang 6th na ‘to, I’m able to maintain my body because I have Belo as my best friend. I know I will be the most beautiful bride and I trust only in Belo to make it all happen. Sobrang excited na ako!” sabat naman ni Marian.
Anyway, biro nga pala ni Nay Lolit Solis sa kanya, sa rami ng bridal shower niya, baka basang-basa na siya at hindi na niya kailangang maligo ng kung ilang araw. “Hindi pa. Pagkatapos na ‘yun ng kasal,” sagot ni Marian na tawa nang tawa.
‘Oo ginamit niya ako’: Geoff Eigenmann binuweltahan na si Carla Abellana
Hindi na nakatiis si Geoff Eigenmann sa mga pinagsasabi ng ex-girlfriend niyang si Carla Abellana. Matagal-tagal ding nanahimik si Geoff, pero the other night, na-corner siya ng entertainment editors and selected writers after ng Christmas party for showbiz editors ng PPL Entertainment Inc. headed by Mr. Perry Lansigan, ang nagha-handle ng career niya.
“I think, whatever she said reflects more on her than on me. Whatever she said, wala kayong narinig sa akin. Ako, I wasn’t really offended with her comments. She can say whatever she wants. Kung sa tingin niya ganun ako, then she was with me for four years.”
Sabi pa ni Carla sa isang interview: “Kung si God nga kayang mag-forgive ng kahit sinong demonyo, ‘di ba? Sino ba tayo para mag-hold ng grudges?”
Aminado rin si Geoff na litung-lito na siya sa mga naglalabasang isyu sa rason ng break-up nila ng actress several months ago.
“Ewan ko, kasi sa rami ng lumalabas na dahilan, hindi ko na alam. I know what I believe in. I know the truth.
“Ako, at peace ako. Wala akong itinatago, wala akong binu-bulls--t, everything’s out there, that’s it.”
At nang tanungin siya kung pakiramdam niya ay nagamit siya ni Carla sa promo ng ilang project nito, mabilis ang sagot ng actor:
“Well, no bull--it, totoo naman. Ginamit naman talaga. I don’t really care. Ang sa akin lang kasi, I’m paid to do my job and I don’t talk about my personal life and, for me, that’s private.
“And she decided to go the other way, so, ‘yun na ‘yon.”
Feeling din ng actor tama lang na nagsalita siya dahil matagal nang hinihintay ang side niya.
“I guess, tama lang, promo, e!” sabay tawa niya.
Pero aminado naman siyang meron din naman siyang pagkakamali kaya sila naghiwalay.
“Alam ko na may pagkakamali rin ako.
“Pero for me, lahat naman ng bagay, puwedeng pag-usapan nang maayos. ‘Yun lang, all these times, I kept quiet about things. Now, nagsasalita ako, wala na. It’s all in the past. I’ve moved on and hindi na siya problema sa akin. It was never a burden on me, actually.”
Palakasin ang OPM, kanselado!
Kanselado ang #PalakasinAngOPM Collab Sessions ngayong gabi dahil sa paparating na bagyo.
Ayon sa kampo ng OPM na pinangungunahan ni Ogie Alcasid, itutuloy na lang ito sa January 2015. “We will coordinate with you as soon as possible re final date of show in January. We apologize for the inconvenience caused by this postponement. Thank you and let’s continue to pray for the safety of everyone!,” sabi sa statement ng OPM.
Mike and Mel wala raw gap
Mabilis ang denial ni Ms. Angel Javier, head of Corporate Communications ng GMA-7 sa lumabas na story na may gap sina Mr. Mike Enriquez and Ms. Mel Tiangco. Ayon kay Ms. Angel, personal niyang tinanong si Mr. Mike. Heto ang text message ni Ms. Angel: “Hindi totoo na may gap o away sina Mike and Mel. Hindi magiging ganito katatag at kalakas ang 24 Oras kung may gap ang dalawang host. Their chemistry and rapport are evident in the program and these will not reflect kung magka-away sila. Thanks.”
- Latest

























