^

PSN Showbiz

Ricky may pasku-titap

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tunghayan ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga ang ikalawang yugto ng Pamaskong pagtatanghal ng GMA News TV show na  Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) na pinamagatang Pasku-Titap.

Dahil ang Pasko raw ay para sa mga bata, dadalhin tayo ni Mader Ricky Reyes sa Pasko Sa Metro kung saan tiyak na enjoy sila sa mga kiddie fun ride, mga tiyangge na mabibilhan ng mga laruan, damit at sapatos at mga tindahan ng pagkaing mula sa iba-ibang probinsiya at siyudad ng bansa.

Hindi makukumpleto ang Noche Buena kung walang dessert o panghimagas.  Darayuhin ng GRR TNT staff at crew ang tatlong restoran na pamoso sa masasarap na matamis na tiyak na kagigiliwang pagsaluhan ng pamilyang Pinoy. Akma rin ang tawag sa mga ito na Christmas-Sarap.

Idinaraing ng mga ginang ng tahanan ang mataas na Meralco bill.  May interbyu si Mader RR sa isang taong nakatuklas ng paraan para bumaba ang konsumo natin ng kuryente.  Ito’y sa segment na Electricity, No Worry.

Magpe-play Santa si Mader sa tatlong babaeng matagal nang problema ang pagkalugas at pagnipis ng buhok.  Masosorpresa sila sa regalong lunas sa kanilang problema.  Panoorin sila sa Happy at Beauty Ang Crowning Glory na ginagawa sa lahat ng sangay ng Gandang RR Salon.

Abangan sa tatlo pang Sabado ang pagtatanghal ng Paskong GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision.

vuukle comment

ABANGAN

BEAUTY ANG CROWNING GLORY

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

MADER

MADER RICKY REYES

NO WORRY

NOCHE BUENA

PASKO SA METRO

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with