^

PSN Showbiz

Kim at Xian na-tense sa masamang panahon

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Na-tense kahapon ang mga taga-Star Ci­nema dahil hindi nakara­ting ang kopya ng pelikulang Past Tense nina AiAi delas Alas, Xian Lim, at Kim Chiu sa Visayas and Mindanao dahil sa masamang panahon. Kaya naman agad naglabas ng statement ang Star Cinema para manghingi ng pasensiya at sinisiguro nilang mapapanood na ang nasabing pelikula sa iba’t ibang probinsiya ngayong araw.

Kahapon lang nagbukas sa mga sinehan ang pelikula ng magka-loveteam na ayon sa mga nakapanood na ay kilig overload.

Ogie naalala pa kung paanong nagawa ang peksman

Nag-iimbita si Ogie Alcasid sa Sabado, November 29, sa isang bonggang throwback party – para namnamin ang mga magagandang kanta na may kasamang sayawan noong dekada 80 sa kakaibang concert na TBT (Total-Balik-Tugtugan) sa Main Ballroom of Solaire Resorts & Casino.

Kabilang sa mga kakantahin niya ang Growing Up na sumikat noong Bagets days. Kakantahin din niya ang mga pinasikat ng Culture Club, Naked Eyes, at Duran Duran na sobrang kinabaliwan noong nasabing era.

Pero pinaka-importanteng taon ang 1987 kung saan nag-umpisa si Ogie as professional singer at live performer. At hindi niya nalilimutan ‘yung panahong struggling singer pa lang siya at ang kuwento sa dalawang unang hits niyang Peksman at Ako’y Iyung Iyo.

Major highlight ng TBT ang Prom Song Medley Got to Believe and King and Queen of Hearts.

Pagdating sa romantic mood, babanatan niya ang Hey It’s Me, Leaving Yesterday BehindHindi Magbabago, at Maghihintay sa Iyo.

Siyempre hindi kumpleto ang reunion kung wala si Maestro Ryan Cayabyab.

Sa Music Museum ginanap ang unang throwback concert ni Ogie few months ago na super successful.

Kaya bitbitin na ang mga barkada para sa kakaibang throwback party.

Priscilla queen of the dessert may rerun sa Resorts World

May Dress and Technical rehearsal ngayong araw ang Priscilla Queen of the Dessert featuring Jon Santos, Red Concepcion and Michael Stuart Williams as the new Tick.

Dahil sa sobrang tagumpay at kabi-kabilang papuri sa musical play, magkakaroon ito ng rerun on November 28-30 and December 6-7 sa Newport Performing Arts Theater in Resorts World Manila.

vuukle comment

CULTURE CLUB

DRESS AND TECHNICAL

DURAN DURAN

GROWING UP

HEY IT

HINDI MAGBABAGO

IYUNG IYO

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with