Niño ayaw umaming stage father!
Kahit guest-role lamang ang papel na ginampanan ng four-year-old na si Alonzo Muhlach sa napakagandang pelikulang The Trial na pinagbidahan ni John Lloyd Cruz mula sa direksiyon ni Chito Roño under Star Cinema, marami ang nakapansin sa bagets. But wait, until maipalabas ang kanyang first full-length participation sa isang episode (Prinsesa) ng Metro Manila Film Festival movie na My Big Bossing na pinagbibidahan nina Vic Sotto at child superstar na si Ryzza Mae Dizon tiyak mapapansin nang husto na may K (as in karapatan) ang bunso ng dating Child Wonder na si Niño Muhlach na tanghaling tagapagmana niya sa kanyang original title.
Habang natutuwa si Onin (Niño) sa mga papuri para sa kanyang carbon copy na anak, siya na mismo ang nagsabi na mahirap umanong maulit kay Alonzo ang nangyari sa kanya noong siya’y paslit pa.
“Two and a half years old lang ako nung ako’y magsimula sa showbiz at matatas akong magsalita ng Tagalog unlike si Alonzo na ngayon pa lamang namin sinasanay sa pagsasalita ng Tagalog at four years old na siya. Pero kuhang-kuhang ni Alonzo ang look at pagkabibo ko. Madali rin siyang pumik-ap ng instruction,” pahayag ni Onin.
Hindi ikinakaila ni Onin na ginagaya niya ang kanyang amang si Alex Muhlach kung paano siya inalagaan noon pati na ang pera na kanyang kinikita.
“Siguro, kung hindi naging masinop ang Papa ko, baka walang-wala ako ngayon,” aniya.
“He (Alex) really prepared for my future at `yon ang gusto kong gawin sa dalawa kong anak (Alessandro and Alonzo),” dagdag pa ni Onin.
Dahil nagsisimula pa lamang sa showbiz si Alonzo, madalas itong samahan ni Onin kaya nata-tawag siyang “stage father”.
“Actually, I’m not. I just have to be with him dahil kailangan ko pa siyang alalayan sa mga eksena niya. Although sumusunod naman siya sa instruction ng director, mas kampante pa rin siya kapag nandoon ako,” paliwanag pa niya.
Thankful si Niño kina Boss Orly Ilacad (ng OctoArts Films) at Vic Sotto (ng M-Zet Films) sa malaking break na ibinigay nila kay Alonzo sa My Big Bossing kung saan nabuo ang tandem nila ng child superstar na si Ryzza Mae Dizon.
“Exact opposite ang dalawa. Tahimik lang si Ryzza Mae at makulit naman si Alonzo kaya click silang dalawa. Kapag walang take, madalas magkulitan ang dalawa sa set,” pahabol na kuwento ni Niño na maganda rin ang role sa Prinsesa episode ng My Big Bossing.
Kaye pangarap pa rin si John Lloyd
Tuwang-tuwa si Kaye Abad nang siya’y maimbitahang mag-guest sa weekly sitcom nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na Home Sweetie Home. Ito bale ang parang reunion nila ng kanyang dating ka-loveteam sa hit afternoon TV series na Tabing Ilog.
Hindi ikinakaila ni Kaye na pangarap niyang makatrabahong muli ang kanyang dating ka-loveteam (hindi ba naging sila noon?) either sa isang teleserye o ‘di kaya pelikula.
Isa si Kaye sa natutuwa at proud sa dating kapareha dahil napakalayo na ng narating nito bilang isang mahusay at box-office actor at celebrity endorser.
Matapos mapanood sa TV ang remake ng Annaliza kung saan siya gumanap na kontrabida, balik sa pagiging lead actress si Kaye sa local adaptation ng Koreanovela na Two Wives kung saan niya mga kabituin sina Erich Gonzales at Jason Abalos.
- Latest





















