^

PSN Showbiz

Kuya Kim nakipag-bonding sa cobra, katabi habang nagre-report

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Buwis buhay na naman ang pambansang Trivia King na si Kuya Kim dahil sa kanyang adventure sa Phuket, Thailand, mapangahas siyang lalapit at tatabi sa isang Siamese cobra habang nag-uulat para sa Matanglawin.

Halos mga dalawang talampakan lang ang layo ni Kuya Kim sa makamandag na hayop at isang tuka lang nito ay maari na siyang bawian ng buhay.

“Ngayon lang ako naging ganito kalapit sa ganitong uri ng ahas. Talagang pinapalapit nila sa akin ang cobra at sabi nila huwag ako masyadong gagalaw. ‘Pag natuklaw ako, aabutin lang ng 30 minuto at mamamatay na ako,” sabi ni Kuya Kim.

Bukod sa pakikipag-bonding sa mga cobra, bibisitahin din ni Kuya Kim ang tinaguriang upside down house na literal na isang bahay na nakabaliktad na tinirik sa lupa. Maging ang mga kagamitan sa loob ay nakabaliktad din.

Panoorin ang unang bahagi ng Phuket adventure ng Matanglawin ngayong Linggo (Oct 19), 10:00 AM sa ABS-CBN.

vuukle comment

BUKOD

BUWIS

KUYA KIM

LINGGO

MATANGLAWIN

NGAYON

PAG

PANOORIN

PHUKET

TRIVIA KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with