^

PSN Showbiz

Elizabeth Oropesa paranormal expert na rin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang espesyal na month-long Halloween presentation tampok ang mga nakakakilabot na kuwento ng mga kinikilalang personalidad sa showbiz ang mapapanood sa Tunay na Buhay simula ngayong Martes sa GMA7.

 Kasama ang broadcast journalist na si Rhea Santos, tampok ngayong Martes sa True Cele­brity Ghost Stories ang premyadong aktres na si Elizabeth Oropesa.

 Kilala bilang isa sa mga magagaling na artista si Elizabeth Oropesa.  Pero lingid sa kaalaman ng publiko, mayroon daw umanong third eye ang beteranang aktres. Mula pagkabata, naka­kakita na raw siya ng mga ligaw na espiritu at kakaibang nilalang.

 Ngayon, bukod sa mundo ng showbiz, pinasok na rin daw ni Elizabeth ang mundo ng kababalaghan bilang isang paranormal expert.

 Abangan ang mga nakapangingilabot na karanasan ni Elizabeth Oropesa sa unang pagtatanghal ng True Celebrity Ghost Stories sa Tunay na Buhay pagkatapos ng May Queen sa GMA7.

 

vuukle comment

BUHAY

ELIZABETH OROPESA

GHOST STORIES

MAY QUEEN

RHEA SANTOS

TRUE CELE

TRUE CELEBRITY GHOST STORIES

TUNAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with