^

PSN Showbiz

Kylie mahal pa rin daw si Aljur!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Maayos na nagkaharap sina Coco Martin at ang mga taga-Gabriela sa isang press conference kahapon ng umaga.

Tinanggap ng grupong Gabriela ang paghingi ni Coco ng paumanhin sa ginawa nito sa nakaraang The Naked Truth show ng Bench.

Nangako raw si Coco na maging active sa ilang projects ng Gabriela bilang pagsuporta sa ipinaglalaban nilang karapatan ng mga kababaihan.

Willing din ang Gabriela na makipag-usap sa Bench para maayos ang naturang isyu. Aware naman sila sa inilabas na public apology ng Bench at puwede naman daw nila itong pag-usapan.

PAK: Nag-react lang ang mga taga-Gabriela sa mga pahayag ni Richard Gomez na hindi na kailangang mag-apologize ang Bench o kahit si Coco sa ginawa nila sa nakaraang Bench show.

Bahagi ng pahayag ni Liza Maza ng Gabriela: “I think it’s below the belt na banatan niya ang women’s party na namumulitika lang ang Gabriela. That’s why I said we cannot take it sitting down.

“Ang Gabriela women’s party ay hindi namumulitika. Nag-apologize na si Coco, at pati na rin ang Bench nag-apologize na rin. Baka siya ang namumulitika. Malinaw na sumasakay lang si Goma sa isyu.”

BOOM: Ikinuwento ni Kylie Padilla sa presscon ng pelikulang Dilim nila ni Rayver Cruz na okay na sila ni Louise delos Reyes.

Kahit nga raw si Aljur Abrenica ay masasabi raw niyang friends na sila.

Nagkasalubong daw sila ni Louise sa Sunday All Stars at nagkausap naman daw sila, at nagkapatawaran.

Pahayag ng Kapuso young actress: “Matagal na siyang nag-sorry, pero fresh pa kasi ang issue. Sa totoo lang, kaya hindi ko pa nakayanan magpatawad nun. Pero ngayon okay na.”

Okay na rin daw sila ni Aljur, at minsan ay nagti-text daw sila sa isa’t isa bilang magkaibigan.

“Basta okay na kami friends na kami ulit,” pakli nito.

“Kailangan eh. Ako kasi ang klase ng tao na may dala-dala. Ayokong may grudge,” sabi pa ni Kylie.

Sinundan namin ng tanong kung may natira pa ba siyang pagmamahal kay Aljur.

“Hindi naman mawawala ‘yun eh,” mabilis niyang sagot. Pero pagmamahal daw iyun bilang kaibigan.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG GABRIELA

COCO MARTIN

GABRIELA

KYLIE PADILLA

LIZA MAZA

NAKED TRUTH

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with