^

PSN Showbiz

Kaso ni Billy walang bagong update, Matteo iniintriga sa pagpalit kay Martin!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Malapit na ang showing sa mga sinehan ng Moron 5.2, ang comedy movie ng Viva Films na tinatampukan nina Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy Crawford, DJ Durano, at Matteo Guidicelli.

Tiyak na uung­katin kay Billy ang status ng kaso na isinampa laban sa kan­ya ng Taguig City Police dahil walang bagong update.

Malamang na usisain din ang pagkaitsa-pwera ni Martin Escudero  sa cast ng sequel ng Moron 5.2 dahil  si Matteo ang ipinalit sa kanya.

Si Wenn Deramas ang direktor ng Moron 5.2 at ito ang patunay na talagang magkaibigan na sila ni DJ na inamin niya na naging karelasyon noon sa loob ng sampung taon.

Malapit na ang presscon ng Moron 5.2. Tingnan natin kung may reporter na magkakaroon ng lakas ng loob na tanungin si DJ sa pasabog noon ni Wenn tungkol sa kanilang nakaraan.

Kylie nakakaramdam ng pressure sa hula ni Mother Lily

Touched na touched si Kylie Padilla sa dialogue ni Mother Lily Monteverde na sisikat siya.

Masuwerte si Kylie dahil buong-buo ang suporta sa kanya ng bigtime producer ng Regal Entertainment Inc.

Bidang-bida si Kylie sa mga poster at print ad ng Dilim, ang coming soon movie ng Regal Entertainment Inc.

Si Kylie ang lead star ng pelikula at siya ang ibinebenta ng Regal Entertainment Inc.Ganado si Kylie sa shooting at promo ng Dilim dahil napapadalas ang pagkikita nila ng kanyang ultimate crush na si Rayver Cruz.

Natural lang na makaramdam si Kylie ng pressure dahil sa malaking tiwala at break na ibinigay sa kanya ni Mother Lily . Kailangan na ma-prove ni Kylie na hindi nagkamali  si Mother Lily na siya ang gawin na bida ng Dilim.

Nakasalalay kay Kylie  at sa ma­gandang kuwento ng Dilim ang success nito sa box office sa October 22.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

DILIM

KYLIE

KYLIE PADILLA

LUIS MANZANO

MALAPIT

MARTIN ESCUDERO

MOTHER LILY

REGAL ENTERTAINMENT INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with