^

PSN Showbiz

Billy balik shooting na!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Back to work na si Billy Crawford pagkatapos makulong dahil sa pagwawala sa sobrang kalasingan noong Sabado ng gabi after ng Star Magic Ball. Nag-overnight night siya sa selda at kinahapunan pa ng Lunes siya nakalabas.

Kahapon ay nakabalik na siya sa shooting ng pelikula nilang Moron 5.2 na may tentative play date na October 8.

May ilan pa silang natitirang shooting days kaya kailangan na nilang tapusin dahil nga may target playdate na ang Viva Films.

Sequel ang Moron 5 Part 2 ng 2012 blockbuster movie Moron 5 and A Crying Lady. Magkakasama pa rin sa pelikula sina Luis Manzano, Marvin Agustin, Matteo Guidicelli, DJ Durano, and John Lapus.

Si Direk Wenn Deramas pa rin ang director nito. Kasama rin sa movie sina Yam Concepcion, Mylene Dizon, Nikki Valdez, Danita Paner, and Joy Viado.

At kung nakabalik na sa shooting si Billy, hindi pa rin naman siya napanood sa It’s Showtime kahapon. Ang girlfriend lang niyang si Coleen Garcia ang napanood  sa noontime show ng ABS-CBN.

Sinabi nitong (Coleen) babalik na rin ang kanyang boyfriend sa programa.

Binanggit din niyang nagpapasalamat ang kanyang BF sa mga taong sumuporta sa kanya (Billy) at ok na raw ito.

Jericho ready na uli kay Maja

Balik-Star Magic si Jericho Rosales.

Matagal-tagal din siyang nasa poder ng Manila Genesis Entertainment Management Inc. bago siya bumalik sa Star Magic na sampung taong ina­lagaan ang kanyang career bago lumipat sa Manila Genesis.

 “I’m so happy! It’s nice to be back.  Everything just feels right and fine,”  sabi ng aktor sa kanyang pagbalik sa talent arm ng ABS-CBN.

Klinaro naman ng aktor na walang bad blood sa pagitan nila ni Ms. Angeli Pa­ngilinan, ang head ng Manila Genesis at wife ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano. “Genesis remains to be a family and same with Star Magic, where I started.”

 “It just felt good to see familiar faces and I’m excited to be working again with them,” sabi pa ng aktor sa inilabas na statement ng Star Magic.

Katatapos lang gawin ni Jericho ang The Legal Wife kung saan ipinakita niya ang kanyang versatility as an actor.

At ngayon, abala na siya sa paghahanda para sa isang new teleserye na magsisimulang mapanood sa November. Titled Bridges, makakapareha niya rito si Maja Salvador na nakasama niya sa The Legal Wife. Magsisimula na silang mag-taping next week with John Lloyd Cruz.

Meron din siyang entry sa Cinema One Originals entitled Project Red na sa November din mapapanood. Kasama niya sa action-drama indie sina Mercedes Cabral and Nico Antonio. Meron din siyang naka-schedule na concert sa Malaysia.

Anyway, kagagaling lang ng aktor sa honeymoon with his wife, Kim Jones na isang TV host at endorser na rin. Kinasal sila sa Bora last May at magkasam ang mag-asawa noong Star Magic Ball.

Jericho is turning 35 on September 22 kaya malamang nagmamadali na rin itong magkaanak.

vuukle comment

A CRYING LADY

ANGELI PA

BILLY CRAWFORD

CINEMA ONE ORIGINALS

LEGAL WIFE

MANILA GENESIS

STAR MAGIC

STAR MAGIC BALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with