Luis may dalawang pasabog
Ang isa sa mga inaasahang magbibigay ng surprise proposal ay ang 33-year-old son ng estranged couple na sina Gov. Vilma Santos at Edu Manzano na si Luis Manzano sa kanyang nakabalikang nobya na si Angel Locsin, now 29.
Inamin ni Luis na sa kasalan mauuwi ang kanilang relasyon ngayon ni Angel pero ayaw nga lamang niyang ibahagi pa kung kailan ito mangyayari. Although malakas ang aming hula na mangyayari ito sa taong 2015 bago pamalaot sa pulitika ang TV host-actor.
Taong 2016 pa ang election, pero ngayon pa lamang ay may mga naglalabasan na kung sinu-sino ang papasok sa pulitika at kasama rito ang pangalan ni Luis na siya umanong sasalo sa mababakanteng posisyon bilang mayor ng Lipa City. Ang kanyang inang si Vilma Santos is now serving her 3rd and last term bilang governor ng Batangas.
Natutuwa lamang si Luis dahil nariyan ang suporta ng kanyang mga magulang, ang kanyang step-dad na si Sen. Ralph Recto, ang kanyang mga kapatid, GF na si Angel, his fans at lalung-lalo na ang mga constituents sa Batangas ng kanyang inang si Gov. Vilma.
The New Minstrels nabuo uli, magkakaroon ng concert
I bumped into Atty. Rene Puno accidentally nang pareho kaming dumalo sa event ng Philippine Tatler for 2014 Best Restaurants na ginanap sa Manila Peninsula kamakailan. Palabas na kami ng venue nang may tumawag ng pangalan ko sa aking likuran at ito’y walang iba kundi ang aming long-time friend na si Rene Puno, ang nakababatang kapatid nina Dong, Ronnie, at Robbie Puno at kabilang sa sampung anak ng dating Justice Secretary na si Ricardo Puno. Mahigit dalawang dekada na naming hindi nakikita si Rene magmula nang ito’y mag-concentrate sa kanyang propesyon bilang isang abogado at pansamantalang talikuran ang kanyang singing creer.
Among the ten siblings, si Rene lamang ang pumalaot sa pagiging isang professional singer nang siya’y mapabilang sa grupong The New Minstrels noong dekada otsenta. Other popular members of the group include Ray-An Fuentes, Eugene Villaluz, Louie Reyes, Ding Mercado, Joey Albert, Chad Borja, at Zsa Zsa Padilla among others.
Nag-solo rin noon si Rene and recorded his own songs and albums pero ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral ng abogasya sa Ateneo Law School. Ipinagpatuloy niya ang kanyang karera bilang isang abogado, nag-asawa at nagkaroon ng tatlong anak habang isinantabi ang kanyang singing career. Pero nanatiling passion para sa kanya ang pagkanta hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanyang mga kapatid na pare-parehong gifted ng magagandang boses.
Since pare-pareho naman nang established ang mga karera at buhay ng mga dating miyembro ng The New Minstrels, naisipan nina Eugene Villaluz, Ding Mercado, Chad Borja, at Rene na buuin ang The New Minstrels’ Divos at magkakaroon sila ng two-night special concert sa RCBC Plaza in Makati City on September 13 and 19 sa ganap na ika-8:00 ng gabi. At may mga naka-line na rin silang shows not only in the Philippines kundi maging sa ibang bansa. Naging espesyal naming panauhin ni Kuya Germs (Moreno) ang apat sa aming Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with the Master Showman on GMA being their very first TV appearance na silang apat ang magkakasama.
- Latest





















