^

PSN Showbiz

Juday malapit nang lampasan ang galing ni Ryan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Napakasuwerte naman ng mananalong couple sa rea­lity show na I Do hosted by Judy Ann Santos with Jason Gainza as co-host dahil hindi lamang P1M ang maiuuwi ng winning couple kundi magkakaroon din sila ng dream-wedding package with matching house and lot.

Ang I Do ay isa sa mga pinaka­ba­gong program ng ABS-CBN na kamakailan lamang ni-launched ng Kapa­milya Network.

Speaking of Juday, ang maganda sa misis ni Ryan Agoncillo ay nag-evolve din ito mula sa kanyang pagiging drama­tic actress sa pagiging isang mahu­say ng TV host ng mga reality show na kanyang sinimulan sa Junior Master Chef at sinundan ng Bet On Your Baby at ngayon ay ang reality show ng mga couples, ang I Do. 

Dahil sa kanyang sunud-sunod na trabaho bilang host, baka malampasan na ni Juday ang galing ng asawa sa pagho-host.

‘Pag-aagawan’ nina Jane at Loisa kay Joshua, teleserye na!

Kamakailan lamang nagtapos ang reality show na Pinoy Big Brother (PBB) All In kung saan pumasok sa Top 4 ang aktres na si Jane Oineza at 5th and 6th placers naman sina Loisa Andalio at Joshua Garcia pero agad silang binigyan ng bagong TV series ng Kapamilya Network, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na tatampukan din nina Vina Morales, Denise Laurel, at Christian Vasquez. Love triangle ang papel na gagampanin nina Jane, Joshua, at Loisa.  

Mother ni Loisa ang papel na gagam­panan ni Vina. Best friend ni Loisa si Joshua na in love naman sa character ni Jane.

ABS-CBN has yet to announce kung saang TV project naman ilalagay ang grand winner na si Daniel Matsunaga at dalawa nitong runner-up pero balitang kasama ito sa Darna movie ni Angel Locsin.

Dating Coca Cola girl, nagbabalik showbiz bilang nanay

Ang sikat na singer-actress nung late 80s na si Lilet Maria Luz (Lilet Jodloman in real life) ay balik-acting sa pamamagitan ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Forevermore na tatampukan ng bagong love team nina Enrique Gil at Liza Soberano.  Lilet will play the role of Enrique’s mother.

Sumikat nang husto si Lilet as a child star nang kanyang awitin ang international ad ng Coca-Cola na Tomorrow’s People na kinunan pa mismo sa Liverpool, England.

Naging bahagi rin si Lilet sa now-defunct That’s Entertainment program ni Kuya Germs (Moreno) at kapanabayan niya noon sina Lea Salonga, Rachel Alejandro, Francis Magalona at maraming iba pa.

 

 

vuukle comment

ALL IN

ANG I DO

ANGEL LOCSIN

BET ON YOUR BABY

CHRISTIAN VASQUEZ

DANIEL MATSUNAGA

I DO

LILET

LOISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with