^

PSN Showbiz

Kris ayaw tantanan ng pasaring si Bistek

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Suportado ng mga alumni ng Starstruck ang pagbabalik ng sikat na talent-reality search, at tinawag nila ngayong Starstruck Again.

Kasabay nito ay may ilang dating taga-Starstruck na umalis sa GMA 7 pero, magbabalik ngayon.

Ilan sa kanilang narinig naming magbabalik-Kapuso ay sina Rainier Castillo at Nadine Samonte.

PAK: Deretso ang sagot ni direk Joven Tan na ang unang pumasok sa utak niyang mag-i-interpret ng kantang Pare, Mahal Mo Raw Ako ay si Piolo Pascual.

Isa sa entry ang naturang kanta sa grand finals ng Himig Handog P-Pop Love Songs sa September 28 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum, tungkol sa pagmamahal ng isang bading sa straight na kaibigan.

Wala raw siyang ibang naisip na gusto niyang mag-interpret nito ay si Piolo, pero alam daw niyang hindi ito gagawin ng aktor. Inalok daw ito sa iba pang Kapamilya singers, pero tinanggihan daw.

Mabuti ay isa raw sa pinagpilian si Michael Pangi­linan na nung napakinggan niyang kinanta ito ng upcoming balladeer, nagustuhan niya agad at tingin niya swak na swak ito kay Michael.

Suportado pa ng buong LGBT community ang entry na ito ni direk Joven, kaya baka si direk Joven uli ang magwawagi sa naturang songwriting competition.

BOOM: Obvious na si Mayor Herbert Bautista ang pinatatamaan ni Kris Aquino bago niya tinanggap ang Ice Bucket Challenge ni Derek Ramsay sa kanya.

Nabanggit kasi ni Mayor Herbert sa huling inter­view sa kanya na si Derek daw ang nanliligaw ngayon kay Kris. Sabi niya, iyun lang naman daw ang nababalitaan niya sa diyaryo.

Kaya sa The Buzz nung kamakalawa ng hapon, doon ginawa ni Kris ang Ice Bucket Challenge, pero may pasaring siyang sinabi bago siya binuhusan ng malamig na tubig: “Ako sinasabihan ‘nyong madaldal, walang pribado. Nanahimik na ako eh. Nag-move on na ako. Sana ibang tao kayanin din gawin ‘yun dahil marami namang responsibilidad sa trabaho ‘nya, ‘wag nang makialam sa buhay ko.”

 

vuukle comment

DEREK RAMSAY

HIMIG HANDOG P-POP LOVE SONGS

ICE BUCKET CHALLENGE

JOVEN

JOVEN TAN

KRIS AQUINO

MAHAL MO RAW AKO

MAYOR HERBERT

MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with