^

PSN Showbiz

Aljur gustong mag-sorry kay Geoff

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nang magkita sina Gabby Eigenmann at Aljur Abrenica sa Sunday All Stars, three Sundays ago, nag-sorry si Aljur sa mga Eigenmann dahil sa mga sinabi niya laban kay Geoff Eigenmann on national TV. Ang payo sa kanya ni Gabby, si Geoff mismo ang kausapin ni Aljur at dito siya mag-sorry.

Sagot daw ni Aljur, nag­hahanap lang siya ng ti­ming, kakausapin si Geoff at magso-sorry. Ibinalita ni Gabby kay Geoff ang pag­kikita nila ni Aljur at ang balak nitong pagso-sorry sa kanya, “okay lang” daw ang sagot nito.

Twenty minutes nag-usap sina Gabby at Aljur at kuwento pa ng una, sa simula, hindi sila nagpansinan, pero nang lumapit na sa kanya si Aljur, no choice siya kundi kausapin ito.

Napag-usapan din nila ng pahapyaw ang problema ni Aljur sa GMA 7 at GMA Artist Center at sinabihan niya ito na hindi lahat ng choices ay tama. Bago matapos ang pag-uusap, nag-wish ng goodluck si Gabby kay Aljur.

May mga nagtatanong kung magso-sorry din ba si Aljur kina Mike Tan at Renz Fernandez na sa kanyang reklamo sa GMA 7 at GMAAC, tinawag niyang mga “unknown” na isinama sa kanya sa Prinsesa ng Buhay Ko (si Renz) at sa Kambal Sirena (si Mike).  

Mamang sorbetero patok ang panggagaya kay NIñO

May sepanx o separation anxiety si director Maryo J. delos sa nalalapit na

pagtatapos ng Niño. Ibinalita ng director sa presscon ng Search for the New Masculados na hanggang September 12 na lang ang dream project niya.

Aabot ng 16 weeks ang airing ng Niño na nagsimula noong May 26. Hindi na ito ma-i-extend dahil nakahanda na ang ipapalit na teleserye. Happy si direk Maryo na tagumpay na naiparating sa viewers ang objective ng teleserye at marami ang sumusunod at ginagaya ang Naynay Commandments.

Nakuwento rin ni direk Maryo na may sorbetero na ginagaya kumilos at magsalita si Miguel Tanfelix na bida sa serye. Habang naglalako ng sorbetes, nagkikilos Niño ang lalake at pati galaw ng mga mata at kamay ng young actor ay gayang-gaya.

May nag-upload sa Internet sa ginagawa ni mamang sorbetero at mukhang klik sa tao dahil marami ang bumibili sa kanya.

Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng Niño, matututukan ni direk Maryo ang search sa new member ng Masculados. Sa Fisher Mall Activity Area ang audition sa September 6, Sept. 13, Sept 20 at ang grand search sa Sept. 27.

EX PBB Housemate bet si Maris

Ipinakilala sa amin si Jacob Benedicto, isa sa housemate sa PBB All In at male endorser ng Skin Central. Kaya pala familiar sa amin ang 22-year-old dahil nag-intern siya sa Star Magic under Thess Gubi. Ang trabaho niya ay tumulong sa presscon, gumawa ng press release at mag-assist sa press people.

Na-assign din yata si Jacob sa lobby ng ABS-CBN at sumasalubong sa press people at dito namin siya nakita. Gusto nitong mag-showbiz at makilalang singer, kaya sumali sa 1st Season ng The Voice at Kanta Pilipinas at nitong huli, sa PBB All In.

Thirty five days sa loob ng Bahay ni Kuya si Ja­cob at ipinagmalaking very close ang group nila. Deserving daw manalo si Daniel Matsunaga, pero si Maris Racel ang para sa kanya’y dapat manalo.

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ALL IN

ARTIST CENTER

BUHAY KO

GEOFF

MARYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with