^

PSN Showbiz

BF ni Mommy D. gustong maging artista?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang haba talaga ng buhok ni Mommy D. (Aling Dionisia), ang celebrity mom ng People’s Champ na si Rep. Manny Pacquiao sa pagkakaroon ng 40-year-old good looking boyfriend and 25 years her junior.

Michael Yamson ang pangalan ng boyfriend ni Mommy D. na nakilala niya sa isang videoke bar at naging escort niya nung siya’y mag-celebrate ng kanyang ika-65th birthday a couple of months back.

Teka hindi kaya gusto lang maging artista nitong bagong BF ni Mommy D?

Lyca pinangatawanan na ang bansag na Little Superstar

Mukhang tuluy-tuloy na ang pagsikat ng nine-year-old grand winner ng The Voice Kids na si Lyca Gairanod dahil bukod sa pagiging singer ay artista na rin siya.  Balak siyang isama ni Vice Ganda sa ginagawa nitong movie for the Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Praybet Benjamin 2 na kung saan din kasama sina Richard Yap at Bimby Aquino Yap.  Pero bago ito, gagampanan ni Lyca ang kanyang sarili sa pagsasadula ng kanyang buhay sa long-running drama anthology na Maalaala Mo Kaya na mapapanood ngayong Sabado ng gabi.  Makakasama ni Lyca to play her parents sina Ronnie Lazaro at Malou de Guzman.

Mukhang mapapangatawanan na ni Lyca ang kanyang pagi­ging Little Superstar.

Matteo ia-apply kay Sarah ang lahat nang natutunan sa pakikipagrelasyon kay Maja

Wala si Carla Abellana sa general presscon ng pelikulang Somebody to Love kaya ang ibang cast lamang ang dumalo at kasama na rito ang dalawa pang leads na sina Iza Calzado at Matteo Guidicelli.

Si Iza ay dating Kapuso star at ngayon ay isa nang Kapamilya star habang nanatiling Kapuso si Carla. Kapamilya actor din si Matteo at ito ang unang pagkakataon na sila’y magkatrabaho nina Carla at Iza sa pelikula na naging possible sa bakuran ng Regal Films.

Ang Somebody to Love ay mula sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes.

Samantala, tinanong namin si Matteo kung bakit hindi pa rin ito ganoon ka-open sa publiko pagda­ting sa kanila ni Sarah Ge­ro­nimo lalu­na kung ang pag-uusapan ay tungkol sa pamilya ni Sarah.  Sinabi ng triathlon actor na bago pa lamang ang relasyon nila Sarah at hindi pa ganoon ka-solid kaya gusto niya itong pangalagaan nang husto. Nahalata kasi ng marami na ayaw pa ring magsalita ni Matteo kapag ang ibang detalye ng relasyon nila ni Sarah ang itinatanong sa kanya.

Samantala, inamin din ni Matteo na ma­ra­mi uma­no siyang natutunan sa naging re­lasyon nila ng kanyang ex-girlfriend na si Maja Salvador na masaya ngayon sa piling ng kanyang bagong nobyo, si Gerald Anderson na minsan ding na-link kay Sarah Geronimo.

vuukle comment

ALING DIONISIA

ANG SOMEBODY

BIMBY AQUINO YAP

LITTLE SUPERSTAR

LYCA

MATTEO

MOMMY D

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with