^

PSN Showbiz

Kasal nina Marian at Dingdong sa Dec. 8 na?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa ang fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera parang kamag-anak sila ng dalawa at gustong malaman agad ang detalye sa kasal ng magkasintahan gayung kaa-announce pa lang ng kanilang engagement.

Heto pa, alam na ng DongYan fans ang wedding date at kung saang simbahan ikakasal sina Dingdong at Marian. Magkatotoo kaya ang na-post ng DongYan fans na sa December 8, 2014 sa The Immaculate Conception Cathedral of Cubao na Feast of the Immaculate Conception ang date at venue ng kasal?

Malapit kina Dingdong ang cathedral at dito nagsisimba ang family niya at ipinakita rin ng aktor nang i-feature siya sa Tunay Na Buhay. Ang alam namin, may ilang DongYan fans na pumpunta sa cathedral at kumuha ng picture.

Sa interview kay Dingdong, sinabi nitong may announcement kung kailan ang kasal nila ni Marian, at definite na this year ang kasalang hinihintay ng marami.

Nag-post din si Perry Lansigan, manager ni Ding­dong sa Instagram (IG) ng “Let us be patient. The Royal Announcement will come very soon!”

Bongga, Thalia sinusubaybayan sina Kris at Boy

This Tuesday ang storycon ng Feng Shui 2, entry ni Kris Aquino sa Me­tro Manila Film Festival (MMFF) this year sa direction ni Chito Roño. Ang sabi nito noong una, August 12 ang start niya ng shooting ng horror movie, pero naiba ang schedule.

Wala pang balita kung kailan sisimulan ni Kris ang shooting ng movie na mas nakakatakot daw sa unang Feng Shui. Palilipasin yata muna nito, ni direk Chito, at ng Star Cinema ang ghost month na iniiwasan sa showbiz.

Aalis si Kris sa Aug. 14 for New York at kasama sa itinerary ang manood ng concert ni Eminem na sobra pala nitong favorite. Hanggang Aug. 22 ang TV host-actress sa New York, hindi pa nito nabanggit kung kasama niya sa biyahe ang mga anak na sina Josh at Bimby.

May nag-comment pala sa Instagram (IG) ni Kris na sinagot ni Thalia (ang original Marimar) ang tanong niya sa Aquino and Abunda Tonight kung totoong nagpabawas ng ribs si Thalia para mas sumeksi. Sumagot daw si Thalia na totoo ang tsismis sa kanyang Facebook dahil nanonood ito ng show nina Kris at Boy Abunda.

JC de Vera walang magiging pahinga sa teleserye

Malapit nang magtapos ang Moon of Desire, pero hindi mami-miss ng matagal ng kanyang fans si JC de Vera dahil may bago itong teleserye sa ABS-CBN. Kasama siya sa Pasion de Amor at ang balita sa amin, siya ang leading man ni Angelica Panganiban.

Si Eric Quizon ang director ng Pasion de Amor na pang-primetime ng Kapamilya Network. Hindi ito ang unang primetime soap ni JC dahil kasama rin siya sa The Legal Wife.

Sunud-sunod din ang pelikula ni JC dahil after Once A Princess, mapapanood siya sa Shake, Rattle, & Roll XV at sila uli ni Erich Gonzales ang magkapareha sa Ahas episode ng entry ng Regal Entertainment sa MMFF.

GMA artists waging-wagi sa Cinemalaya

Matutuwa nito si Rafa Siguion-Reyna dahil nagkatotoo ang wish niyang manalong best actor si Robert Arevalo para sa Hari ng Tondo sa Directors Showcase ng Cinemalaya X.

Nanalo namang best supporting actress at best supporting actor respectively sa New Breed Category sina Barbie Forteza at Miggs Cuaderno. Si Barbie para sa Mariquina bilang batang Mylene Dizon at si Miggs sa Children’s Show.

Pare-parehong may soap sa GMA 7 ang tatlo. Si Robert, napapanood sa Ang Dalawang Mrs. Real, si Barbie sa The Half Sisters at si Miggs sa My BFF. 

Si Cris Villonco na nanalong Best Supporting Actress sa Directors Showcase sa Hari ng Tondo pa rin ay mapapanood sa Ang Lihim ni Annasandra bilang kontrabida kay Andrea Torres.

 

vuukle comment

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

ANGELICA PANGANIBAN

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BARBIE FORTEZA

DIRECTORS SHOWCASE

FENG SHUI

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with