^

PSN Showbiz

Iza marami nang tinanggihang trabaho

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bagaman at matagal na rin ang relasyon nila ng kanyang negosyanteng boyfriend, wala pa sa agenda ni Iza Calzado ang magpakasal dito.

“Bata pa naman kami. May panahon  pa rin kami para mas mapatatag pa ang relasyon  namin at mas ma­i­handa pa ang aming kinabukasan. Matagal din akong naghintay bago naging ganito kaganda ang career ko. Maiintindihan niya kung sasamantalahin ko muna ang pagkakataon na  maisagawa lahat ng pro­jects na dumarating bago kami magpakasal,” anang aktres na sa rami ng mga dumarating na offers sa kanya ay kinakailangan nang tumanggi sa ilan.

“Hindi ko naman talaga kakayanin. Ayaw ko naman na masisi sakaling dumating ang oras na ma­ging cause of delay ako sa mga taping o shooting ko dahil patung-patong ang trabaho ko,” paliwanag ng artista na  bukod sa apat na beses na taping niya ng Hawak Kamay  ay nagpapalipat-lipat pa sa shooting ng Some­body to Love ng Regal at ang horror film ni Wenn Deramas na Maria Leonora Teresa.

Bashers ni Marian supalpal

Ang tanda ko na, pero kinilig pa rin ako sa marriage proposal ni Dingdong Dantes sa girlfriend niya of many years at itinuturing na reyna ng istasyong kanilang kina­bibilangan, ang GMA, na siya naman ang hari. Sana hindi nga ‘yun alam ni Marian Rivera at gi­na­wang isang sorpresa para hindi masira ang nabuo kong ilusyon ng isang kuwento ng pag-ibig. Binulabog ko pa lahat ng kasamahan ko sa bahay na may pinanonood na ibang mga palabas para ituon ang panoood nila sa prog­ramang Marian na kung saan ay live for the first time ang programa. Kaya pala…I pity the couple’s bashers and critics who keep on telling that their relationship will not reach the altar, dahil ayun na! Petsa na lamang at magiging isa na ang dalawa. They should eat their hearts out, ang kinaiinisan nila at pinipintas-pintasan na artistang babae ay soon to be Mrs. Dingdong Dantes. It may not be a match made in heaven but it certainly is a match  that will be blessed by heaven. Congratulations sa kanila.

Sa sobrang excitement ko, ‘di ko tuloy narinig kung ipinaliwanag  sa show why it was called The Last Dance. Last episode na ba ‘yun ng Marian? Naka-one season na ba ito?

JM walang bahid na galing sa rehab

Konti pa at maibabalik na ni JM de Guzman ang dati niyang porma. Okay na siya sa seryeng Ipaglaban Mo. Wala ni anumang bakas na ilang panahon din siyang nanatili sa isang rehab. Siya mismo ang umamin nito sa  media na namangha sa mabilis niyang recovery. Dahil magaling namang artista, hindi mahirap sa aktor ang makakuha ng assignments. Once nga na malaman ng lahat ng kinauukulan na okay na siya, uulanin siya ng offer.

 

vuukle comment

DINGDONG DANTES

HAWAK KAMAY

IPAGLABAN MO

IZA CALZADO

LAST DANCE

MARIA LEONORA TERESA

MARIAN RIVERA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with