^

PSN Showbiz

KC hindi kayang tiisin si Paulo

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung marami man ang naniwalang nag­bakasyon sa pag-ibig ang magdyo­wang Paulo Avelino at KC Concepcion, balikan na raw ang dalawa ngayon. Hindi na nila itinago sa mga mata ng pub­­liko ang kanilang pamamasyal sa Se­ssion Road ng Baguio kamakailan.

Ma­rami nga ang nagulat na malaman na nasa bansa pala ang anak ni Megastar at binalikan ang dalawa niyang pas­sion sa buhay, ang kanyang karera at ang nobyo niya. Kapag nasa abroad lang, bakasyon ang puso ng aktres para kay Paulo. Sa ‘Pinas kasi ay ito ang kanyang constant guide and partner.

Jomari hindi na makapagbida dahil sa katabaan

Hindi ba nanghihinayang si Jomari Ylanna sa naging takbo ng kanyang career? Puwede pa kasi siyang lead pero nalalagay na siya sa mga father roles dahil lang sa katabaan niya. Tulad  sa seryeng The Half Sisters, hindi reyalidad kapag pinabalik siya ni Jean Garcia sa buhay nito gayung lamang na lamang sa kanya sa physical looks si Ryan Eigenmann. Buti na lang kon­trabida ang role nito at buti na lang bulag ang character ni Jean, hindi ito mapipintasan kapag pinili niya si Jomari in favor of Ryan.

Heart gustong makihati sa yaman ni Sen. Chiz?!

Sobra bang ‘yaman ng isa man kina Heart  Evange­lista at Sen Chiz Escudero para mangai­langan ng pre-nup sa pagitan nila? Kung ang senador ang nakakalamang sa kabuhayan, hindi naman siguro milyones ang makukuha ng aktres sa kanya sakaling maghiwalay sila dahil may mga anak ang nobyo niya na may mas karapatan sa kanyang yaman.

Hindi rin naman siguro purita mirasol si Heart para pag-interesan pa ang kayamanang nauna nang naipundar ng nobyo niya.

vuukle comment

HALF SISTERS

JEAN GARCIA

JOMARI

JOMARI YLANNA

PAULO AVELINO

RYAN EIGENMANN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with